Kabanata 40

1394 Words

LUMABAS AKO ng silid pagkatapos kong maligo. Hindi naman kasi maaari na lagi na lang akong nasa kwarto dahil hindi naman ako ang may-ari ng bahay. Katulong pa rin ako at kung may kailangan gawin, kailangan kong magkusa para roon. "Mara." Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Nicko. Lumapit siya sa akin. Napakunot ang noo ko dahil tila ayaw niyang alisin ang tingin sa akin habang bakas ang kakaibang saya sa mukha nito. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya. "B-bakit?" tanong ko at tumalikod sa kaniya. Humakbang ako. Narinig ko rin ang paghakbang niya senyales na sumusunod siya sa akin. "Date tayo, pwede?" Napahinto ako sa narinig ko at lumingon kay Nicko. Nakita ko ang pagkaseryoso sa mukha nito, 'di ko iyon mabakasan ng pag-aalinlang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD