Kim's point of view Pagkatapos naming kumain ng agahan, handa na ang lahat para sa first scene namin. Ang anak ko ay kasama ni Tetay sa play room ng resort. Kaya panatag ako na safe ang aking anak. Pinagbihis na muna kami at nag salubong ang aking kilay dahil dress na mahaba at may manggas pa ito. "Are you sure that is what I am gonna wear?" Mahinahon na tanong ko sa babae na nahihiya sa akin." "Yes, Ma'am Kate." Sagot niya. Sabagay anong silbil ko na ramp queen kung hindi ko kayang dalhin ang damit na ito. Isinuot ko na at hindi na ako nagpalagay ng kahit ano sa aking mukha. Light lang ang kulay dress at sa kulay ko ay hindi na kailangan pa. Konting blush on lang ang pinadagdag ko para hindi naman mapusyaw ang aking mukha. Sa haba ng dress ay umabot na sa aking paa. Nag flip flop

