Duke's point of view Alas tres ng madaling nagsuka ang aking asawa. Sinabi ko na dalhin ko na siya sa hospital pero ayaw niya. Ang gusto lang daw niya ay matulog. Nasobrahan ko na ata ang asawa ko, kagabi ay naka anim kami at papikit palang ako ng nagpabuhat siya papunta sa banyo dahil nasusuka daw siya. Pagkagising niya, ako na ang nagpalit sa kanyang damit at isinama ko ang aming anak na magpa check-up dahil ayokong maiwan siya sa bahay ng kanyang kalaro lalo na at may mga taong nagmamanman sa bahay. Habang nasa daan kami ay tumatawag si Luke kaya agad ko itong sinagot na naka speaker dahil ako ang nagmamaneho at mga tauhan ko ay iniligaw ang mga reporters. Gulat kaming mag-asawa sa aming nalaman. Kaya napagpasyahan namin na puntahan ang aking kapatid at doon na rin magpa check-up.

