#Patikim Tetay's point of view Sa sinabi sa akin ni Sir Duke, nakadama ako ng kahihiyaan sa aking sarili. Nasanay na kasi akong binubuska si Sir Luke na parang tropa lang kami. Humingi ako ng tawad kay Sir Luke at dama na masama din ang pakiramdam niya sa akin. Nakakahiya dahil bukod sa ang layo ng agwat ng edad nila sa akin ay amo ko pa sila. Para tuloy hindi ko na sila nirerespeto lalo na si Sir Luke na isang linggo din na sinubukan niyang magluto pero puro pambubuska ang ginawa ko. Marami pa ngang naiingit na mga ka klase ko dahil hatid sundo ako ng aking amo. Maraming nagkakagusto kay Sir Luke sa paaralan namin dahil gwapo daw ito pero siniraan ko si Sir Luke sa kanila. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng ice pack pambawi ko sa kasalanan ko kay Sir Luke. Pagdating ko ay nakahiga siya

