Samantalang sa kanyang opisina ay hindi mapakali si Jagie. Nakaupo siya sa kanyang executive chair, pero hindi makapag-focus sa kanyang ginagawa. Bagaman nakabukas ang kanyang laptop at nakasalansan ang mga papeles sa kanyang mesa na naghihintay ng kanyang perma pero hindi niya magawang harapin dahil iisa lamang ang tumatakbo sa kanyang isip si Detective Shara at ang masamang panaginip niya kagabi. Paulit-ulit kasing bumabalik sa kanyang isip ang panagnip niya. ang imahe ni Shara na duguan at wala nang buhay dahil sa tamas a ulo ng lalaking ginagaya siya at nagpapanggap na The Cleaner. mariing pinikit ni Jagie ang kanyang mga mata upang pakalmahin ang sarili ngunit tila isang bangongot na paulit-ulit pading bumabalik sa kanang alaala ang panaginip niya kagabi at tila ba baririnig niya ang

