“Sya nga pala, alam mo, medyo napapaisip ako sa sinabi mo sa akin noong una tayong magkita about sa mga serial killers,” wika ni Shara na kaswal na nakatingin kay Bryan. “Alin ‘yong sinabi ko? Na maaaring kilala mo at nakakasalamuha mo na pala ang killer na matagal mo nang hinahanap?” agad na wika ni Bryan na may kakaibang kislap sa kanyang mga mata. Tumango-tango si Shara. “Oo. Alam mo, naisip ko na tama ka. Dahil magaling ngang magtago at magbalat-kayo ang killer na si The Cleaner, dahil nagawa pa niyang uminom ng alak at makipagbiruan sa isa sa mga waiter ng club kung saan nagtatrabaho si Maria at si Marikit. Kung hindi pa nga nahagip ng CCTV ng bar, ay hindi malalaman ng waiter na ang nakausap niya at nakaberuan niya ay iyon na pala ang The Cleaner. Kaya namangha talaga ako sa ‘yo. K

