Makalipas ang halos isang oras na paghihintay ng reply ni Shara, hindi na nakatiis si Jagie. Isinara niya ang kanyang laptop at mabilis na lumabas ng kanyang opisina. Susunduin niya si Shara sa kanyang pinagtatrabahuhan at yayayain niya itong kumain sa labas. Dala-dala ang mamahaling kahon ng tsokolate na ipinabili niya sa kanyang sekretarya, mabilis niyang tinungo ang kanyang personal na elevator. Katulad kanina, ay muli na namang nagsiyuko ang kanyang mga empleyado nang makita siyang naglalakad. Animo’y siya ay hari na iginagalang at kinatatakutan ng sinuman. “Naku! In love na si Sir!” wika ng isang babaeng empleyada nang masigurong nakalabas na ang kanilang amo at siniguro niyang hindi siya maririnig. “Oo nga! May dala pang mamahaling tsokolate. Sigurado akong para ‘yan sa babaeng typ

