Chapter 72 Hanna Kasalukuyan namumulot ako ng shell sa tabing dagat. Katatapos ko lang e-send ang pinag-aralan ko at ang exam na binigay sa akin ni Mrs. Estrela da akin. Halos araw-araw na lang ako dito sa dagat. Subalit ngayon namumulot ako ng shell para may maulam kami ni tita mamaya. Simula ng tumawag kahapon si Dexter, hindi na ito nakatawag. Wala na rin siyang iniwan na message sa social media ko. Buti naman kung gano'n para maka-focus na ako sa buhay ko. Ilan sandali pa ang lumipas humahangos si Tita, na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. "Hanna, itigil mo muna 'yang pamumulot mo ng shell. Ikaw talagang bata ka!" sabi nito sa akin na hapong-hapo. Napakunot noo ako na tumingin kay Tita, kaya napahinto ako sa pagpulot ng shell. "Bakit ka tumatakbo, Tita? Para kang hinah

