Alexis' POV
Halos ilang oras akong naligo at nagbabad sa Jacuzzi ng hotel para lamang siguraduhing walang naiwang dumi sa katawan ko. Ilang hilud at sabon ang ginawa ko para lang siguraduhing mawala ang lahat ng bakas ng mga lumapastangan sa akin. Namumula na ang buong katawanos ko. Lalong humapdi ang p********e ko sa kakahugas ko. Ginagawa ko iyon habang walang humpay ang pagluha ko. Wala na, wala na ang pinakaiingatan ko. Kapag nagsumbong ako sa mga police malalagay lang sa kahihiyan ang Daddy at syempre lalong masisira ang buhay ko. Matapang ako pero naduwag akong ipagtanggol ang sarili ko. Pero maraming paraan para makapaghigante ako sa gumawa sa akin nito. Gagawa ako ng paraan para malaman kung sino ang mga taong nagsamantala sa akin. Lalo na ngayon may iniwang ebendensya ang isa sa mga lalaking gumawa sa akin ng kababuyan. Malalaman at malalaman ko rin kung sino-sinu sila. Nanghihina ako pagkatapos kong maligo. Siguradong hinahanap na ako ni Daddy dahil hindi iyon sanay na hindi ako umuwi ng gabi. Halos magtatanghali na at hindi parin ako nakakauwi. Baka galit na galit na si Daddy. Hinamig ko muna ang sarili ko bago nagpasyang lisanin na ang hotel suite.
Lutang ang isip ko habang nasa loob ng taxi. Dederetso ako sa Jazz bar para makuha ang sasakyan ko. Buti na lang nasa bag ko lang ang susi ng kotse ko. Nagsuot din ako ng shade para hindi halata ng mga makakasalubong ko ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa walang humpay na pag-iyak kanina. Kahit subrang hapdi ng p********e ko pinilit kong maglakad ng normal.
Sa parking lot ng Jazz pasimple akong nagmanman. Naghanap ako ng cctv camera sa paligid. Babalik ako para makuha ang kopya ng cctv ng bar.
Pagtapak pa lang ng paa ko sa entrance door ng mansion ay nakaantabay na ang mag-inang mukhang kontrabida ang mga mukha. Makakapal ang make up at punong puno ng alahas ang katawan.
Lalagpasan ko na sana sila nang marinig ko ang patutsada ng step sister kong halos lumuwa ang dibdib sa suot na seksing mini dress.
Saan naman kaya galing ang step daughter mo mama at isang gabing hindi nakauwi? Akala ko bay matino yan daig pa pala ang di makabasag pinggan," parinig nito. Kumuyom ang kamao ko pero pilit kong pinigilan ang sarili kong patulan ang sinabi nya. Ayoko munang sayangin ang enerhiya ko sa mga walang kwentang tao.
"Let her ija, siguradong kagagalitan sya ng daddy nya pag nagkausap sila," sagot ng ina nito. Hinayaan ko na lamang sila at dedmang dumaan sa harap nila. Pinilit kong maglakad ng maayos para wala silang mapuna.
Sa loob ng silid ko'y napapatulala na lamang ako ng hindi ko sinasadya. Pilit paring nagsusumiksik sa isip ko ang masamang nangyari sa akin. Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ba iyon.
"Lintik lang ang mga walanghiya. Papatayin ko sila. Huhuhu! Hindi ako titigil hanggat hindi ko malalaman kung sino ang gumawa sa akin ng kalapastangan," galit kong usal habang kuyom ko ang mga kamao. Sisihin ko man ang sarili ko hindi ko na maibabalik ang nawalang puri ko. Kailangan ko lang tanggapin sa isip ko ang masamang nangyari sa akin para matahimik ako kahit sandali. Nasa pagmumunimuni ako nang biglang may kumakatok sa dahon ng pinto ko.
"Señorita Alexis, pinapatawag ka po ng Daddy mo, kakain na daw po," tawag ng kanilang kasambahay sa labas ng kanyang kwarto.
"Sabihin mo manang na busog pa ako," sagot ko. Ang totoo ayokong makita ni Daddy ang pamumugto ng mga mata ko at kanina pa masama ang pakiramdam ko. Lalagnatin ata ako at saka may sugat ata ako sa pwerta ko dahil hindi ko na maigalaw ang mga paa ko. Sa tuwing ilalakad ko umiinda ako dahil sa sakit.
"Pero kabilin-bilinan po ng Daddy nyo na bumaba daw po kayo kasi may sasabihin syang mahalaga sa iyo. Siguradong pababalikin po ako nun Señorita," pagpupumilit nito. Napabuntung- hininga sya. Kailangan nyang sabihin ang totong nararamdaman para tigilan muna siya ng Daddy nya. Alam naman nya kung ano ang pag-uusapan nila. Ipipilit na naman nito ang pagpapakasal nya sa anak ng kasosyo nito sa negosyo.
Binuksan nya ng kaunti ang pinto at kinausap ng masinsinan ang katulong,
"Aling Cindy pakisabi na lang po na nilalagnat ako at hindi ko po kayang tumayo."
"Ganoon po ba señorita? Aba e dalhan ko na lang po kayo ng hapunan ninyo at gamot na rin po para gumaling po kayo kaagad," nag-aalalang nawika nito.
"Salamat po Aling Cindy," maiksi nyang sagot. Ayaw na nyang palawigin pa ang pag-uusap nila ng katulong dahil baka dumami ang pag-uusisa nito.
Sa hapagkainan ay naghihintay ang matandang Monreal sa kanyang unica ija bago pa man nila simulan ang kanilang hapunan. Nasa kanan nito ang kanyang ikalawang asawa na si Betina at katabi naman nito ang kanyang step daughter na si Dhalia na kuntudo postura. May biglaan syang bisita na kasosyo nya sa isang malaking proyekto sa kanilang bayan, Si Don Faustino Aragon.
Papalapit ang kanilang katulong na inutusan nyang tawagin ang anak pero mag-isa lang itong bumaba.
"Oh Cindy bakit hindi mo kasama ang señorita Alex mo?" tanong nya sa katulong.
"Sabi po nya señorito masama ang pakiramdam nya. Nilalagnat po sya kaya dadalhan ko na lang po sya ng hapunan at gamot," paliwanag nito. Tumango tango ang matanda at puno ng pag-aalala.
"Sige Cindy dalhan mo sya ng hapunan nya. Dalhan mo rin sya ng sabaw para mainitan ang sikmura nya. Talaga yang batang yan pinag-alala ako," umiiling iling itong habang nagsasalita. Tumalima naman ang katulong at agad inihanda ang kailangan ng amo nyang babae. Napaismid naman ang mag-ina.
"Ahm....Kumpare ano bang nangyare sa manugang ko?" hindi napigilang itanong ng kaibigan nyang si Don Aragon.
"Masama daw ang pakiramdam pare. Papunta na ba dito ang unico ijo mo?" tanong nito.
"He's coming pero medyo malalate lang ng kaunti,"sagot nito.
"Sayang at hindi sila magkikita ng anak ko," napapailing na wika ng Don.
"Ay ganoon ba? Hayaan na muna natin pare pasasaan ba't sa simbahan din naman ang tuloy nila kahit laging nauunsyami ang pagkikita nila," positibong komento nito. Napatango ang matanda.
"Oh sya simulan na natin ang hapunan,"
Pinangunahan ng Don ang pagdadasal ng hapunan bago sila tuluyang kumain ng hapunan. Nasa kalagit-naan na sila ng pagkain nang bigalang dumating ang anak ni Don Aragon.
"Oh pare nandito na pala ang anak ko," Tumayo ang matandang Aragon at sinalubong ang kaisasang anak na bagong dating. Si Dhalia naman ay parang napako ang tingin sa lalaking bagong dating. Nakatulala itong hindi maalis ang tingin sa napakagwapong binata.
Nagmano naman ang binata sa kanyang butihing ama at sa matandang Monreal.
"Kaawaan ka ng Diyos ijo, umupo ka at sabayan mo kaming kumain," anyaya nito sa binata.
Umupo naman ang binata sa tabing upuan ng ama. Inaasahan nyang naroroon din ang mapapangasawa. Inilibot nya ng mata at sa mismong harap nya ay isang seksing dalaga na may makapal na make up. Maganda naman ito pero malayo na magugustuhan nya. Nakatitig lang ito sa kanya at halos hindi kumukurap. Sana'y na sya sa mga babaeng may gusto sa kanya na parang pagkain sya sa kanilang paningin. Halata sa mga mata nito ang paghanga sa kanya. Hula nya ay anak ito ng Don pero pinagdarasal nya na sana'y hindi ito ang babaeng syang mapapangasawa nya.
Tumikhim ang babae at halatang nagpapapansin. Nang hindi kumibo ang matandang Monreal ay kusa na itong nagsalita.
"Daddy, sino po ang gwapong binata na kasama natin?" malambing na tanong nito. Siya naman ay pigil ang hininga at lahat na yata ng santo ay tinawag na nya huwag lang ang babaeng nasa harapan nya ang mapapangasawa.
"Oh sorry ija at hindi ko naipakilala sa iyo. Sya nga pala ang anak ng kumpare ko na mapapangasawa ni Alexis, si David Aragon. David, sya naman si Dhalia ang anak ni Betina," pakilala ng Don sa kanilang dalawa. Para naman syang nabunutan ng napakalaking tinik sa lalamunan dahil hindi ang babaeng makapal ang make up ang mapapangasawa nya.
Binigyan sya nito ng matamis na ngiti kaya wala syang choice kundi ngitian di ito.
Nang ngumiti sya'y mas lalo ata itong napagkit ang titig sa kanya.
Iniabot nito sa kanya ang kanang kamay nito. Sya naman ay nagdadalawang isip sa pag-abot sa kamay nito. Ang dalawang matanda ay naghihintay sa sunod nyang gagawin. Namalayan na lamang nyang siniko sya ng Daddy nya at iminuwestra nito ang kamay ng dalaga sa kaharap nyang upuan na kanina pa nakalahad sa harap nya.
Saka pa nya tinanggap ang pakikipagkamay nito na ngayo'y pinagsisisihan nya dahil napakahigpit ng kapit nito sa kamay nya at ni wala atang balak bitawan. Pilit nyang hinihila pero subrang mahigpit ang kapit nito kaya hindi nya napigilan ang magsalita.
"Can you now let go of my hand," baritono nyang wika sa dalagang patay na patay na ata sa kanya. Pagkarinig sa sinabi nya ay bigla itong natauhan at pinakawalan ang kamay nya. Nahihiya naman itong yumuko at halatang pulang pula ang mukha dahil sa pagkapahiya.
Ipinagpatuloy nila ang pagkain habang sya ay patingin tingin sa pintuan ng dining room. Hinihintay nyang dumating ang mapapangasawa. Kalauna'y nainip na sya dahil matatapos na sila sa hapunan ay wala pa ang dalagang Monreal.
"Ahm, Tito, nasaan ang anak nyo?" hindi nya napigilang tanong. Saglit na tumitig sa kanya ang Don bago nagsalita.
"Ah! Pasensya ka na ijo. Alam kong kanina ka pa naghahanap sa kanya. Halata sa mga mata mong hindi mapakali," saka ito ngumisi. Ibinitin sa ere ang sinasabi.
"May sakit sya ijo. Nilalagnat daw sabi ng katulong kaya hindi sya makakasabay sa hapunan," patuloy ng matanda. Sya naman ay napabuntung hininga. Nawala ang kaba nya sa dibdib. Para syang teenager na sabik makita ang crush e hindi pa nga nya nakikita ng personal ang dalaga. Kahit picture nito ay di pa nya nakikita. Hindi daw mahilig ang dalaga magpapicture kaya kahit isang picture sa living room ay wala ito. Wala din itong social media accounts.