Halos malula ako sa laki ng mansion ng asawa ko. Marami syang katulong na sumalubong sa amin pagdating namin. Nakahilera at sabay sabay na yumukod sa amin. Sanay na ako sa karangyaan pero nalulula pa rin ako sa mga nakikita ko. Isang modernong mansion na halos napapalibutan ng salamin. Napakaganda ng pagkakadesign. Halos lahat ng nakikita ko ay nagsusumigaw ng karangyaan. Kinuha ng mga katulong ang mga gamit namin at maingat na inalalayan ako ng asawa ko sa pagpasok sa kanyang kaharian. "Welcome to our home love,"makinang ang matang sabi nya. Ako naman ay abala ang paningin sa palibot. Kung maganda sa labas mas lalong maganda sa loob. Napangiti ako at humawak agad sa mga braso nya. "Ahm, love subrang ganda ng bahay mo. Sigurado ka ikaw lang ang nakatira dito?" tanong ko. Napatawa sya at

