Pagkatapos ng mainit naming sandali sa may garden ipinakita ni David sa akin ang sinasabi nya kanina. Sa bandang likuran ay may naggagandahang iba't-ibang klaseng orchids na may makukulay na bulaklak. Subrang namangha ako dahil hindi lang basta-basta orchids dahil puro collectibles at mahirap hanapin ang mga variety ng orchids na nasa harap ko. Patalon kong nayakap si David dahil sa tuwa. "Oh! You made me happy love, I really love orchids, thank you so much!" maningning ang matang sabi ko. Mahilig kasi talaga ako sa orchids katunayan may mga orchids akong kinokolekta sa garden namin sa mansiyon. Namana ko ang libangan na pag-aalaga ng mga orchids sa mommy ko. "Your happiness is my happiness now love," malambing nyang sabi sabay halik sa noo ko. "Is it alright to you na dito lang sa Pil

