Alas sais ng hapon, nang magising si Amanda. Dahan-dahan nitong idinilat ang kanyang mga mata. Namulatan nito ang kaibigang si Jessica sa kanyang tabi. "Kumusta ka? Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya. "Okay naman na ako, feeling ko napagod lang siguro ako," sagot ng dalaga. "May dumalaw daw sa 'yo na kaibigang lalaki? O, suitor?" usisa agad ng kaibigan. "Sino naman daw? Kagigising ko lang at hindi ko alam kung sino siya?" paliwanag ni Amanda. "Nakasuot ng kasuotang pang hospital o baka doctor?" paglalarawan ni Jessica ng may ngiting nakakaloko. kunot-noong tumingin si Amanda sa kaibigan nang iniabot ni Jessica ang bouquet sa kanya. "Kanino galing 'to?" maang na tanong ng dalaga habang nakatingin sa bouquet. "Sa bisita mo kanina, hindi mo ba talaga alam?" pangungulit

