Dahan-dahan akung napatayo habang nanginginig ang buong katawan ko habang nakatingin sa kamay kuna punong-puno ng dugo at hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko lalo pa at inunahan ng takot at pangamba ang buong puso ko. Mabilis kung tinignan si Gwyn na ngayon ay nasa harapan ko at akmang hahablutin ko ang ulo nito ng makita ko si Kill na nakahandusay sa lupa at nababalot ng dugo ang buong katawan. Pero kaagad nawala ang sakit at pighati ko ng makita si Kill na nakatingin sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata at doon ako dahan-dahan na napatingin sa lalaking nakahandusay sa lupa habang walang ulo at hawak-hawak nan i Gwyn ang ulo nito. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko ng makita ang ama ni Kill na naging ama ko nadin dati na walang buhay at naliligo sa sarili nitong

