Habang nakahiga ako sa kama at inaayos ni Kill ang kamay ko hindi ko parin mapigilan ang sarili ko at kaagad na naman akung napangiwi sa sakit ng tiyan ko patin narin ang buong katawan ko at hindi ko mapigilang isipin ang mga pinag-daanan ko habang nasa operasyon ako, oo at tulog ako pero alam ko kung ano ang ginawa nila sa akin. Sumalang ako sa dalawang operasyon na walang kasiguraduhan kung mabubuhay paba ako o hindi, walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa akin basta ang alam ko lang naging maayos naman ang oras nila sa akin. Alam kung nahirapan si Cedric sa akin lalo pa at ceasarian pa ako na kung saan si Yannif ang nagpa-anak sa akin. “May masakit paba sayo?” tanong sa akin ni Kill habang punong-puno ng pag-alala ang kanyang mga mata ikaw ba naman ang walang malay sa loob ng is

