Hila-hila ko si Cloneth palayo sa lugar na iyon hanggang sa makarating kami sa mabatong parte ng isla at kaagad ko siyang binitiwan kaya mabilis naman itong umupo sa bato habang hindi mawala ang panginginig ng kanyang kamay at hindi ko alam kung umiiyak ba siya o ano? Dahan-dahan ko siyang nilapitan at kaagad na hinawakan ang kamay nito kaya mabilis naman siyang tumingin sa akin at labis kung ikinagulat ang nakita ko dahil sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha. “Hey?” mahinang saad ko sa kanya at kaagad namang pinahid ang kanyang luha pero mas lalo lang itong humagulhol ng iyak na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. “May nangyari ban a hindi ko alam? Sabihin mo sa akin,” hinaplos ko ng mahina ang kamay nito kaya mapait itong napangiti sa akin mahigpit na hinawakan ang kamay ko par

