Habang nakatingin ako sa babaeng nakatayo sa pinaka-mataas na parte ng hagdan at sinasalubong ang mga nagbabaga nitong mata hindi ko alam kung ano ang mararamdaman o sasabihin ko sa oras na ito. Basang-basa ko ang mga galit sa kanyang mga mata pero kailangan kung harapin ang bagay na ito bago ako tuluyang makaalis dito. Alam kung matatagalan bago ako ulit makabalik dito o makakabalik paba ako dito sa Pilipinas sa sitwasyon ko ngayon mukhang matatagalan bago ako makabalik kaya kailangan ko ng harapin ngayon ang ina ni Kill na naging ina ko narin. Napatingin naman ako sa kabilang side kung saan nakatayo ang mga naging pinsan ko habang nakatingin sa akin pero kaagad medyo nanlaki ang mata ko ng makita si Van na nakangiti sa akin habang siya palang ang mabilis na lumapit sa akin. “Celine!” m

