Nakatayo ako sa harapan ng kotse ko habang hinihintay si Nathaniel na bumili ng coat niya kasi nga daw nilalamig ang baliw baka kamo may kikitain siya. Kanina pa siya pero antagal niya talaga akala mo naman babae kung gumalaw o baka naman bakla ang isang iyon daig pa ako! Hindi ko alam kung bakit siya ang ginawang tagabantay ko na kaya ko naman ang sarili ko! Nahihiya lang ako kay Daddy na humindi sa kanya lalo pa at safety ko lang naman ang inuna niya pero antagal niya talaga! Kapag ako nainis sa kanya iiwan kuna talaga ang Kurdapyo na iyon! Ang usapan naming dalawa mabilis lang siya dahil may meeting pa kaming pupuntahan na dalawa kasi bukas ang flight ko papuntang Pilipinas at may kailangan lang akung asikasuhin doon tapos ito na naman ang Kurdapyo na iyon at inuubos ang oras ko! Malal

