Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Sky na kakambal ko habang nakaupo ito sa sofa na sobrang busangot ng kanyang mukha, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa lakad niya pero ang sabi ni Tito umuwi daw ito na basa kanina at hindi na makausap ang kanyang mukha. Hindi kasi ako nakasama sa kanya kanina dahil amy meeting ako sa mga ibang stock holder at kapag sumama ako sa kanya sasakit na naman ang paa ko paano ba naman ang haba ng lalakarin mo kapag pumunta ka doon sa batis kulang nalang ipagawa ko nalang na semento ang daan doon. Babawi nalang ako sa kanya sa susunod na araw kapag bumalik siya doon, mahal ko naman ang kakambal ko kahit kung minsan malamig na ako sa kanya sanay na siya sa akin kapag ganito ako na kahit malamig na ang trato ko sa kanya wala naman itong pakialam at ma

