Habang nakatayo ako sa unahan nilang apat hindi mawala ang malakas na kabog ng puso ko knowing that nasa likuran ko sila at ano mang oras magsisigawa na naman kaming lima dito. Ayaw ko sana silang kausapin pero may kung ano naman ang humihila sa puso ko na pumayag sa kanila kahit sa huling pagkakataon na alam kung puro kasinungalingan naman ang sasabihin nila sa akin. Ganito naba kalaki ang epekto nila sa akin na kahit ang malaking galit ko sa kanila ay nagiging marupok parin ako. Ayaw kung ipakita sa kanila na mahina ako, ayaw kung ipakita sa kanila na ako parin kahit paano ang Celine na nakilala nila, ayaw kung balang araw ako na naman ang iiyak at masasaktan. Gusto ko silang patayin dahil sa kasalanan na nagawa nila sa akin pero hito na naman ako! Damn it! “Maraming salamat at pumay

