Handan a ako mawalan ng buhay at iwan ang mundo na ito habang punong-puno ng lungkot ang buong puso ko at sakit, hindi ko matanggap na ito na ang katapusan ko at kahit sa huling pagkakataon hindi ko manlang na protektahan ang mahal ko sa buhay at higit sa lahat hindi ko manlang naiganti ang Kuya ko. Mariin akung napapikit at hinintay ang pagtikbas ni Gwyn sa bungo ko habang umaagos ang mga luha sa mata ko. Im so sorry Kill pero mahal na mahal kita at kahit wala na ako mananatili ka parin dito sa puso ko at kahit ano man ang mangyari ikaw lang ang lalaking minahal ko ng buong puso at hinding-hindi iyon magbabago. Mawawala man ako dito sa mundo maiiwan ang puso ko dito, alam kung masasaktan ang ama ko dahil sa pangalawang pagkakataon isang mahal na mahal na naman nitong babae ang iiwan siya

