Chapter 9 Samantha's POV Nang maubos ko ang last shot ng wine na inihanda ni Ivy, nagdesisyon na akong umuwi. Medyo nahihilo na ako at ramdam ko na ang epekto ng alak. Wala na rin si Ivy nagmamadaling umuwi dahil may emergency sa bahay nila dahil sa naiwan niyang flat iron muntik ng masunog bahay nila. Napatayo ako agad sa kinauupuan ko at naglakad patungo sa labasan. Habang naglalakad ako sa masikip na bahagi ng bar, bigla akong nakabangga ng isang lalaki. Muntik na akong matumba. “Sorry,” paumanhin ko agad, pilit na inaayos ang sarili. Napatingin siya sa akin, at sa ilalim ng dim lights. “Nasobrahan ka ata, Miss, ng alak,” may pag-aalala na sabi ng lalaki. “Hindi pa ako lasing,” pautal kong sabi, pero ang katotohanan ay umiikot na ang paningin ko. Hindi ko na hinintay ang sagot n

