Chapter 75 Eli’s Pov. Umigting ang panga ko. Ramdam ko ang pag-init ng dugo ko, pero pinilit kong manatiling kalmado. “Hindi mo siya kilala, Maggie,” mahina pero matigas kong sagot. “At hindi mo karapatan na husgahan siya.” Napataas ang kilay niya, halatang nagulat. “Eli, nagtanong lang ako.” Hindi,” putol ko. “Hindi ka lang nagtatanong. Hinuhusgahan mo siya.” Sumingit si Ivy, diretso ang tingin kay Maggie. “Si Samantha hindi ’yan basta-basta umaalis. Kung umalis man siya, may mabigat na dahilan. Hindi siya ’yung tipo ng taong nagwawalkout dahil lang sa arte.” Tumango si Grace. “Kung alam mo lang ang pinagdaanan niya, hindi mo masasabi ’yan.” Napailing si Maggie at bumuntong-hininga. “Fine. Pero nakaka-off pa rin. Nandito tayo, maayos ang lahat, tapos bigla siyang mawawala.” Doo

