Chapter 7

1832 Words
Chapter 7 Samantha's POV Habang ako’y nakaupo sa aking swivel chair, ang isip ko’y nasa malayo, tulala at nakatingin sa isang sulok ng aking clinic. Para akong isang estatwa na walang buhay, inuukilkil ng sakit at pighati. Biglang may kumatok sa pinto, at doon ako na-distract mula sa malalim kong pag-iisip. “Yes, come in,” sagot ko, pilit na inaayos ang boses. Pumasok si May, ang aking assistant. “Miss Samantha, may naghahanap po sa inyo,” sabi niya sa akin. “Sino?” tanong ko agad. “Si Miss Ivy po,” sagot ni May. “Sige, papasukin mo, May,” wika ko. Lumabas si May upang papasukin si Ivy sa loob. Maya-maya, pumasok si Ivy na may nag-aalalang tingin. “Samantha, are you okay?” tanong niya agad sa akin nang makapasok sa loob. Ang simpleng tanong na iyon ni Ivy ang naging mitsa. Bigla na lang napatulo ang luha ko. Hindi ko na napigilan ang emosyong kanina ko pa kinikimkim. “Grabe, Ivy. Napakasakit ng ginawa ni Lorenzo sa akin,” agad kong sabi, habang humihikbi. Mabilis siyang lumapit at hinaplos ang aking likod habang umiiyak ako sa harapan niya. “Shh, umiyak ka lang, Sam. Nandito ako,” pag-alo niya. “Nagbubulag-bulagan lang ako, Ivy. Sobrang sakit. Sa totoo lang, hindi ko na kaya pang itago. Nahihirapan na akong itago pa!” Iyak kong sabi, bumibigay na. “Sige lang, Samantha. Umiyak ka lang. Ilabas mo lang ang lahat ng nararamdaman mo. Huwag mong kimkimin, nakakasama ‘yan,” malambing na sabi ni Ivy. “Habang nakikita ko silang magkasama, Ivy, durog na durog ako! Asawa niya ako, pero bakit ganito ang pinakita niya sa akin?” Hagulgol kong sabi, punung-puno ng pagtataka at sakit. “‘Yan na nga ang sinasabi namin sa iyo, Samantha, pero ayaw mong makinig,” sabi ni Ivy, halatang may bahid ng hinanakit. “Pero asawa niya ako, Ivy! Nagsumpaan kami sa harapan ng altar. Pero wala hindi niya ako magawang mahalin,” patuloy ko sa pagluha. Tinitigan niya ako sa mata, seryoso. “Samantha, ibalang mo na lang sa sarili mo ang pagmamahal mo. Bumangon ka! Ipakita mo sa kanya na hindi siya kawalan sa iyo. Huwag mong sayangin ang ganda mo. Marami pa diyan, iba. Balang araw, makakatagpo ka din ng tunay na magmamahal sa iyo. Hintayin mo lang.” Ito ang payo ni Ivy, punung-puno ng pag-asa. “Sa edad kong ito, may magmamahal pa ba sa akin, Ivy? Wala na. Kuwarenta na ako, Ivy. Parang malabo na akong makakahanap ng matinong pag-ibig,” malungkot kong sagot. “Huwag kang mawawalan ng pag-asa, Samantha! Darating din ‘yan, ang para sa iyo. Mamahalin ka ng tunay, mas higit pa sa pagmamahal mo kay Lorenzo. Iyong gagawin kang prinsesa ng buhay niya!” may diin niyang sabi. Tumayo siya at hinila ako nang bahagya. “Kaya, ’wag kang magmukmok! Tumayo ka! Bumangon ka! Ipakita mo sa kanya na okay ka! Chill lang! Kailangan mo ng outing para gumaan ang nararamdaman mo. Huwag mong sayangin ang oras mo diyan sa lalaking hindi marunong magpahalaga ng pagmamahal mo. At huwag kang aalis o lalayas sa bahay ninyo! Ipakita mo sa kanya na chill ka lang, wala kang pakialam sa kung anong gagawin nila ng babae niya. Baka doon pa siya magsisi pagdating ng panahon.” Haba ng payo ni Ivy, at ramdam ko ang sinseridad niya. Napatingin ako sa kanya at pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. “Salamat, Ivy, sa pag-unawa mo sa akin,” wika ko, sinserong nagpapasalamat. Samantala, sa isang kalapit na restaurant… Habang kumakain si Eli sa isang fine dining restaurant, may napansin siyang isang magandang babae. Tinitigan niya ito habang nasa tapat lang din niya ito, halos hindi makakurap. “Grabe, ang ganda niya parang anghel,” sambit niya, habang nakaw-tingin sa babae. Maya-maya, may isang lalaki ang lumapit sa babae at tinawag itong ‘babe’. Natigil si Eli sa pagsubo sa kanyang kinakain at napatingin sa dako ng kinaroroonan ng babae. “Sayang. Lalapitan ko sana para magpakilala, pero may jowa na pala,” bulong ni Eli habang kumakain. Nadismaya siya nang bahagya. Biglang napatayo ang magkasintahan at dumaan sa harapan niya. Napatingin na lang siya habang lumagpas na sila. “Kailan kaya ako makakatagpo ng isang babae na marunong umunawa sa akin?” Nagtanong siya sa sarili, puno ng pagdududa. Napasagi si Maggie sa isipan niya. “Si Maggie una, masarap siyang kasama, pero pag tumagal na, sobrang OA na niya. Lalo na ‘pag hindi ko napansin agad, ang dami nang sinasabi sa akin. Kaya ayoko nang makipagbalikan sa kanya. Parang nasasakal ako. Lahat gusto niya kailangan masunod. Parang robot ako na kailangan ipaalam pa sa kanya ang ginagawa ko,” sambit niya sa sarili, umiling-iling pa. Napatayo siya nang natapos na siyang kumain at nagbayad sa kahera. Pagkatapos niyang magbayad, agad siyang naglakad palabas at pumunta sa parking area kung nasaan ang kanyang big bike. Nakakita siyang may nagbebenta sa gilid at lumapit siya doon saglit. “Ano iyon, Iho?” tanong ng matandang babae na naka-pwesto. “Pabili po ng isang lollipop,” sabi ni Eli sa ali na nagbebenta. Binigyan siya ng isa. “Limang piso, Iho,” sabi agad ng ali sa kanya. “Ang mahal naman po!” medyo gulat na sabi ni Eli. “Wala nang mura, Iho. Puro mahal na ngayon,” wika ng ali sa kanya. Dumukot siya sa bulsa at kumuha ng limang piso. “Ito po, Nanay. Salamat po,” wika ni Eli at agad binuksan ang lollipop na hawak niya. “Grabe, ang mahal naman ng lollipop na binebenta ni Nanay. Piso lang naman ito sa mga tindahan. Bakit sa kanya napakamahal? Triple naman din ang tubo ni Nanay,” nasabi niya habang binubuksan ang lollipop. Napalingon siya uli sa ali, at nakita niya ang matanda na nagpapaypay. “Hayaan mo na. Nakakaawa naman din. Matanda na din si Nanay. Kailangan din kumita kahit konting paninda lang,” sambit niya, at ngumiti nang mapait. Pumunta na siya agad sa parking area para kunin ang kanyang big bike. Sinuot na niya agad ang helmet saka umangkas na. Oras na para umalis. Balik kina Samantha at Ivy… “O, Samantha, okay ka na ba sa pakiramdam mo?” Tanong ni Ivy sa akin, matapos ang ilang minutong pag-alo. “Okay na, Ivy. Nailabas ko na ang sama ng loob ko, pero kailangan ko makabawi (recover) sa ginawa ni Lorenzo sa akin,” sagot ko sa kanya, desidido na. “Alam mo, Samantha, kalimutan mo na ‘yung tao na ‘yun. Ibahin mo ang lifestyle mo. Lumabas ka, chill lang. Huwag kang magmukmok! Tatawanan ka ni Veronica ‘pag talo ka at nakita kang stress ka sa asawa mo,” wika ni Ivy, nagbibiro pero seryoso. “Oo, gagawin ko ang mga sabi mo, Ivy, para malibang ko din ang sarili ko,” wika ko kay Ivy. “’Wag kang mag-alala, nandito kami ni Grace para sa iyo, Samantha. Kami ang magpapagaan ng loob mo,” wika ni Ivy sa akin. “Naku, alam na ba ni Grace? Mabubungangaan talaga ako no’n!” wika ko kay Ivy, nag-aalala. “Hindi pa, pero malalaman niya din ‘yan, Samantha. Sa nangyari sa iyo, baka nga susugurin niya si Lorenzo para sa iyo!” Panakot ni Ivy, at natawa nang bahagya. “Naku! Ivy, baka pwedeng huwag mo na lang sabihin kay Grace. Alam kong galit na galit pa naman si Grace kay Lorenzo,” pakiusap ko kay Ivy, ayaw ng gulo. “Hayaan mo na, Samantha! Kailangan din niyang malaman. What are friends for, ‘diba? Ayaw mo ‘yun? Para masuntok ni Grace si Lorenzo sa mukha!” Sabi ni Ivy sa akin, tila gusto pa. “Please, Ivy, huwag mo na lang sabihin kay Grace para hindi lumala ang gulo,” pakiusap ko ulit, nagmamakaawa. “Bakit, natatakot ka, Samantha? Hayaan mo, si Grace! ‘Pag nalaman niya, makakatikim talaga si Lorenzo ng suntok ng kamao ni Grace,” patawang sabi ni Ivy sa akin. “Huwag na, Ivy. Baka magkagulo talaga. Alam mo naman ‘yun, ‘pag tungkol sa akin, magagalit talaga ‘yun, Ivy,” wika ko sa kanya. “Sige na, ganito na lang. Ano, labas tayo mamaya? Ituloy natin ‘yung usapan natin noong isang araw na gigimik tayo?” Pag-aya ni Ivy sa akin. “Saan naman tayo pupunta mamaya?” Tanong ko sa kanya, medyo natutuwa na. “Sa bar! Mag-e-enjoy tayo mamaya, ‘Day,” sagot ni Ivy sa akin, excited. “Parang hindi naman bagay sa atin ang mag-bar, Ivy,” wika ko sa kanya, nag-aalangan. “Anong hindi bagay! Hangga’t fresh pa tayo, kahit ganitong edad, mag-e-enjoy tayo doon. Malay mo, doon mo makita ang bagong lovelife mo, Samantha!” wika ni Ivy sa akin, may pang-aasar. “Saglit, i-message ko si Grace para ma-set na natin mamaya kung saan tayo,” wika ni Ivy sa akin. Biglang kinuha ni Ivy ang kanyang phone saka ni-message niya si Grace. “Talagang sure ba aalis tayo mamaya, Ivy?” Tanong ko ulit sa kanya. “Oo, basta kami ang bahala sa iyo ni Grace,” sagot naman agad ni Ivy habang busy sa pagpindot ng kanyang phone. “Huwag na lang kaya muna, Ivy?” Bigla kong sabi, parang nagbago ang isip. Napatingin si Ivy sa akin, nakakunot ang noo. “Ano ka ba, Samantha? Bakit ka nababahala? ‘Diba busy naman si Lorenzo sa ibang babae? Dapat maging busy ka din! Hindi ‘yung lagi mong iniisip. Huwag kang magpa-martyr, Samantha. I-enjoy mo lang ang sarili mo! Huwag mong isipin ‘yan, Samantha. Sinasabi ko, mag-e-enjoy ka doon. Sinasabi ko sa iyo!” wika ni Ivy sa akin, may kasamang tawa. Nakakunot-noo na lang ako sa sinabi sa akin ni Ivy. Parang nagdadalawang-isip akong sumama sa bar dahil hindi na ako sanay mag-gimmick. “Ito na, hihintayin ko na lang ang reply ni Grace sa akin,” wika ni Ivy. Biglang tumunog ang phone niya at tinignan niya ito agad. “Frenny, hindi ako pwede ngayon. May family dinner kami. Next time na lang. Kayo na lang muna ni Samantha.” ‘Yan ang message ni Grace kay Ivy. “Ay...” sabi agad ni Ivy, na biglang nakasimangot habang binabasa ang message. “Ano?” Tanong ko sa kanya. “Hindi daw siya pwede, eh. Tayo na lang daw muna. May family dinner sila, Grace,” wika ni Ivy sa akin. “Edi hindi tayo matutuloy...” agad kong sabi, medyo nalungkot. “Hindi! Tuloy pa rin tayo, Samantha! Nandito naman ako. Tayo na lang dalawa para mabawasan ‘yang nararamdaman mo,” wika agad ni Ivy sa akin, hindi nagpatalo. “Sure ka, Ivy? Tayo lang dalawa?” Tanong ko sa kanya, gusto ng kumpirmasyon. “Oo! Kaya mamaya, pupunta tayo. Magsasaya tayo doon, dalawa!” May paninindigan na sabi ni Ivy sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD