Chapter 33 Eli's Pov Hinila ako ni Sam papunta sa kama at sa wakas, nagkaharap kami. Ang liwanag ng streetlamp na sumasala mula sa bintana ang tanging saksi sa tindi ng aming pag-amin at pagtatalo. Ang puso ko ay hindi tumitigil sa pagkabog. Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Ang texture ng balat niya ay malambot at mainit. Tinitigan ko siya, sinisigurado na nakikita niya ang katotohanan sa aking mga mata na hindi ito laro. Dahan-dahan kong inilapit ang aking mga labi sa kanya at hinalikan ito. Ang halik ay malumanay sa simula, isang pagsuyo sa takot at pag-iwas niya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng kanyang mga labi. Napapikit si Samantha habang hinahalikan ko siya. Hinawakan niya ang aking kamay na nasa pisngi niya isang huling pagpigil na walang lakas. "Samantha, hayaan mo ako. Ako a

