Hanna's POV Bwesit! Kailangan ko nang dalhin ulit si Jared sa kanya. Nahuli na nila ang apat na bugok na yun at sigurado akong malalaman na nila kung saan nagtatago ang Exudos. Naiinis ako. Kung bakit pa kasi pinakawalan pa ni Richard ang mga to noong una eh. Edi sana tapos na ang lahat ng ito. "Bilisan niyo, ipasok na yan sa loob." Utos ko sa dalawang tauhan na bumubuhat kay Jared. Pinasok na nila ito sa kotse at agad na kaming umalis sa pesteng eskwelahan na yun. Hindi ko naman talaga gustong mag-aral sa paaralan ng mga ahas na yun eh. Dahil alam kong pag-aari ng taong pumatay sa nag-iisang taong minahal ko. Kailangan nang matapos ang lahat ng ito. Hindi na ko makapag hintay na mamatay sila sa mga kamay ko. Sinulyapan ko si Jared na nasa back seat at napangisi. Sadyang tanga at ut

