Renei's POV Tinatahak na namin ngayon ang daan papunta sa kuta ng bagong Exudos. Sa iisang van kami sumakay ng Serpentes Gang. Naka motor naman sina Shierry at Elqui at naka kotse si Genesis. "Na-miss ko 'to! Hihihi! Ay master, alam mo ba? Paniwalang paniwala talaga ang peg namin na patay ka na! Akala ko nga kanina multo ka eh. My gosh it's creepy! Pero, hahaha! Masaya talaga ako at buhay ka." Tuwang tuwang wika ni Taipan habang nagmamaneho papuntang empyerno. She's really a devil when it comes on driving. Lalo na at sa labanan ang punta namin. "Ako din naman eh, na-miss ko yung ganito. Tulad ng dati. Salamat at tinanggap niyo parin ako sa kabila ng ginawa ko. Sorry." Napayuko ako. Hinawakan ni BlackMamba ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya. "Master, bakit ka ba

