(BIG SCANDAL) PAALIS na ako kasama ang mga ka-team ko sa hotel site project. Sobra kaming napagod, stress at frustrated dahil may mga ilang interior designs ang nabago. Lalo na sa mga sofa'ng naka-toka sa akin. Bumuntong hininga ako at hinilot ang aking sintido habang pinapanood ang labas ng van na sinaskyan namin. Lahat kami tahimik at sobrang pagod sa maghapong trabaho. Buti at di naging kritikal ang disenyong hiningi ng may-ari noong hotel. Kundi, balik na naman kami sa simula mas lalo na naman kaming mahihirapan. Tapos na ang structure, interiors nalang ang kulang at finishing ng hotel kaya dapat madaliin namin para hindi kami mapagalitan at mahirapan. My phone rang and I picked up my phone. I saw Fiandro's name and read his text message . Fiandro: "Dito ka na sa penthouse matulo

