(FOLLOW) DALAWANG araw akong nanatili sa bahay bago tuluyang gumaling si Fiandro sa sakit. Sa dalawang araw na iyon ay hindi ako pumasok ng school o trabaho. Talagang tinutukan ko siya hanggang sa gumaling. Nagpupumilit pa noon si manang Linda sakin na siya nalang ang magbabantay ngunit hindi ako sumang-ayon. Kahit si Fiandro sinabihan ako, at ganoon din, hindi ako pumayag sa kanyang gusto. Naalala ko ang kwinento ni manang na binantayan ako ni Fiandro noong ako ang nagkasakit ng di ko alam. Ganoon ang gagawin ko sakanya. Just returning the favor. Now he is fine. The next day, he went to his work to continue the paperwork he left there. As I went home, I walked hurriedly to the room where I put my things to get before I leave the house. Hinintay kong maka-alis ang van na sumusundo ka

