(CAUTION) NANG magising ako kinaumagahan ay nagulat na lamang ako na nakatulog pala 'ko sa mismong drawing table ko. Mabilis akong bumangon na tuluyang nagpa-gising sa aking diwa. Napansin ko ang pagdausdos ng kumot sa aking likod. Hindi naman ako nagkumot kagabi ah? Di kaya si Fiandro ang nagkumot sakin? Speaking of the devil, hinaplos ko ang mga labi ko. Tsaka pumikit ng maalala kung paano niya 'ko hinalikan. Bumilis ang pintig ng aking puso. Hindi mawari bakit ganito ang naging reaksyon nito. Walang halik na nangyari, Tina. Nananaginip ka lang. Kalma. Marahas akong umiling sabay mulat sa mga mata. Hinanap ko ang pinggol para itali ang buhok ko at bumaba na para makakain na ng almusal. Pagkababa ng hagdan ay naabutan kong naroon na sina manang Linda at Pipay na hati sa paghanda at

