(ENJOY) PINUNTA niya ako sa isa na namang mamahaling restaurant. I pursed my lips as I breathe out while looking outside the resto. Sa totoo lang hindi ako nag-eenjoy sa mga ganitong klaseng kainan. Namamangha ako sa itsura pati sa pagkain kaso bukod sa mahal na, hindi pa nakakabusog. Para sa akin. "We're here." he said as we stopped in front of the resto. Tumingin ako sa kanya. Tatanggalin na sana ang seatbelt pero napansin niya ang aking itsura. "Bakit ganyan itsura mo? May problema ba?" Inimpit ko ang bibig ko at tinaas ang mga balikat sabay sulyap muli sa kainan. Tumingin ako sa kanya at tipid ngumiti sabay iling. "Wala." ani ko tsaka tinanggal na ang seatbelt para wala siyang maisip na ayaw ko rito. Nakakahiyang sabihin kung ayaw kong kumain doon. Tsaka baka nagreserve na din

