(CAUGHT IN THE ACT) SABAY kaming bumaba ng elevator ni Fiandro. Nagtalo pa kami kanina na ako na ang maunang aalis o di kaya siya para walang makakita sa aming dalawa. Ngunit sa huli, siya din ang nasunod at pinagpipilitang sabay kami. Maaga-aga ang pag-alis namin ng penthouse. Mabilis din kasing naipadala ang mga gamit ko sa mga body guards nito kaya nakapag-ayos ako agad. Kapapasok pa lang namin sa elevator ng hapitin nito ang aking beywang at inilapit sakanya. Niyakap niya ko mula sa likod at dinikit ang labi nito sa gilid ng aking ulo. Humawak ako sa kamay niyang naka-kapit. "Huwag dito baka may makahuli sa atin." sabi ko. "Edi makita na." aniya na walang pakealam sa aking sinabi. Dahil doon nilingon ko siya at binigyan ng mapamatay na tingin. Tumaas lang ang kanyang mga kilay. D

