M A X I N E Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa garden ng hotel pero nandito na ulit ako, in the exact same position. Kaharap ko pa rin ang lalaking alpha na sumubok na saksakin si Mateo. Nakabaon pa rin sa aking tiyan ang kanyang mahabang espada. Pero ang ikinagulat ko ay para bang nawawala ang hapdi mula sa aking sugat. “Wh-What the hell,” mutawi ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kanina. Was that a short glimpse of the afterlife with my father who was telling me how to return back to life? Mukhang ayaw niya akong mamatay ng maaga, ah. “It's game over, Maxine. You lose and I win,” rinig kong sabi ni Ronaldo sa ilalim ng puno kung saan ko siya iniwan kanina. Hindi ko siya sinagot o kaya nilingon man lang. “Ma-Maxine,” mahinang sambit ni Mateo sa likod ko na malamang ay

