M A X I N E Nice timing. 'Yan na lang ata ang masasabi ko sa nangyaring pagmamaldita ni Stella noong isang araw, because of what happened I got a proper excuse to why I have to take three days leave in our shooting. Wala namang lumabas na mga litrato sa nangyari sa aming tatlo dahil sa ginawa ni Sir Axel na pagsira sa mga camera at cellphone ng mga bisita. Maliban sa mga taong nandoon sa signing event ay wala nang nakakita ng duguan at nasaksak na kamay ni Mateo. At mabilis din naman itong naghilom, para ngang walang kutsilyo na tumagos doon sa palad niya sa sobrang kinis nito. It took briefly five minutes to heal that severe wound na kung sa tao ay baka higit isang buwan o taon pa ang aabutin bago ito bumalik sa normal. Kaya para naman may pakinabang ang gulong dinala ni Stella ay gin

