* * * “We’re heading to a resto bar for dinner. The designer invited us. Lourdes and Mark are with me along with several co-workers. I won’t drink too much and will head home asap.” Ito ang text na natanggap ni Mateo ng patungo siya sa pinangyarihan ng sinasabing vampire attack. Patungo na sana sa building ng couture si Mateo kanina para sunduin si Maxine nang nakatanggap sila ng balita tungkol sa pag-atake ng isang bampira. Noong una ay hindi nila ito pinaniwalaan, pero matapos na malaman na walang nakitang pinsala sa bangkay ang pulisya na maaaring sanhi ng pag-atake sa kanya maliban na lang sa dalawang tuldok sa leeg nito at maputlang mga daliri. Hindi na nagdalawang-isip pa si Mateo na puntahan ito ng personal lalo na at sinasabi ng espiya nila na wala na sa Brazil sina Ronaldo. Inu

