M A X I N E "Handa ka na po ba, Ma'am Maxine?" "Of course, I am," masigla kong sagot kay Lourdes at lumabas na ng kuwarto ko. Today is the Annual Drama Awarding Ceremony, and I am more than ready to receive my award. Parang noong nakaraang linggo lang ay nasa mansyon ako na puro mga bampira ang kasama ko. At ngayon naman ay patungo na ako sa venue ng awarding ceremony. This time mga sikat na tao naman ang makakasama ko sa iisang lugar. Nakakabaliw lang isipin na nangyari ito sa loob lang ng halos dalawang linggo. And again, for the nth time, masasabi ko na puno ng sandamakmak na misteryo ang mundo na ginagalawan natin, kagaya na lang ng kung paano pa ako nakakatulog ng mahimbing sa gabi sa kabila ng mga nararanasan ko. Nakakatakot dahil sa kung kailan ay nasasanay na ako sa ganitong

