M A X I N E “Ma’am Maxine! Gising na." Ito ang pambubulabog ni Lourdes sa pagtulog ko. Hindi ko pa man naidilat ang mga mata ko ay matinding liwanag na kaagad ang tumambad sa mga ito. Tila ba may kurtinang pula ang ibinaba sa harap ko nang lumusot ang liwanag ng araw sa aking mga talukap. “What the hell, Lourdes,” I muttered while stretching. Inaantok pa ako. But good thing my assistant doesn't give up that easily then told me, “Ma’am! Naghihintay na po sa field sila Leo at Mark!” At sa pamamagitan ng dalawang pangalan na iyon ay nagising muli ang nahihimbing kong diwa. “OH GOSH! OH GOSH!” aligaga kong bulalas. Nagmadali akong tumayo at tinali ang buhok ko. “Bakit hindi mo naman sinabi sa akin kaagad, Lourdes?” paninisi ko sa PA ko. “Uhm, kanina ko pa po iyan sinabi sa’yo, Ma’am. Ta

