* * * Sa isang tahimik na subdivision ay makikita ang dumadaan na puting Ford EcoSports. Sa kabila ng naglalakihan at nagtatayugan na mga kabahayan ay walang tao sa daan. Wala ring mga sasakyan at kaya ay aso man lang na natutulog sa gilid ng kalsada. Huminto ang EcoSports sa harap ng katamtamang laking bahay. Sinalubong ito ng babaeng nasa edad singkuwenta para pagbuksan ng tarangkahan. Kaagad naman na pumasok ang sasakyan na para bang sa kanya ang garahe. Hindi pa man lumalabas sa sasakyan ang may-ari nito ay lumabas na ng bahay ang matandang babae at nagmamadaling umalis. Ilang sandali lang ay lumabas na rin ang lalaking nagmamay-ari ng kotse. Naka-itim siyang jacket at sombrero. May suot siyang puting mask at itim din na shades kaya hindi kita ang kanyang mukha. Nagsimula na siyan

