M A X I N E "Sayang talaga si Ms. Stella, no?" "Ang ganda sana ng concept ng advertisement kung magkasama sila ni Ms. Maxine." "Eh, pero guys. Hindi ba mas mabuti na rin 'yung nahuli siya bago pa na-release ang commercial?" "Aah, oo nga. Kung nagkataon lagot branding natin." "Okay na rin si Ms. Maxine at Ms. Sofia. Bagay naman sila sa image ng brand." "Oo nga. Oo nga." "Tama. Tama." Ito ang usapan ng mga tsismosang staff ng photoshoot ng advertisement ko ngayon. Nasa loob kasi ako ng tent habang nasa labas naman ang mga tsismosa. Hula ko, base sa mga boses nila, ay tatlong babae sila na pawang wala nang ginawa kung hindi ang magdaldalan imbes na magtrabaho. Right now, I am in the set of the shampoo advertisement na dapat ay pagsasamahan namin ni Stella. Yup, it was the con

