M A X I N E Nasa loob kami ng van at hinihintay pa namin na matapos si Lourdes sa pagligpit ng mga gamit ko sa penthouse. Because I insisted to start working again, isa sa mga kondisyon ni Sir Axel ay ang palipatin muna ako sa bahay niya. I know, I’ve been staying there for more than a month but this time ay pati mga gamit ko for work ay hinakot na rin namin… or should I say, ni Lourdes. Sumaglit muna kami sa parking lot ng penthouse para rito, at kaagad din na didiretso ng Axellerate pagkatapos para sa pagbabalik ko sa trabaho. “Do you have something for Leo?” I asked Mateo out of the blue. Nasa driver’s seat pa rin siya habang nasa likod niya naman ako. The same seats yet with different circumstances. Let’s say we are mutual now. “What something are you talking about?” he cluelessly

