M A X I N E Isang oras. Halos isang oras din akong naghintay ng motor sa kanto namin. I can't seem to find any vehicle sa labas. Buti na lang at kahit tahimik ay may mga taong maya-maya kung lumabas sa bahay nila. I also made sure to put my shades on, and a white cap. I also tuck my hair under the cap for extra details to the disguise. Mabuti na lang at mabilis akong nakahanap ng taxi sa sakayan at kaagad na nakarating sa terminal ng maliit na lungsod sa unahan. Kagaya ng bilin ni Mateo ay tumungo ako sa mataong bahagi ng terminal, pero dahil sa nasobrahan naman ata ang dami ng tao sa loob ay pinili ko na lang na lumabas. Mabuti na lang at uso rito ang bus stop kaya doon na lang ako nakipagsiksikan sa mas konting mga tao. Pero hindi niya ba alam kung gaano ka-delikado itong pinapagawa

