Chapter 6: FIREWORKS
Nakabusangot ang mata niya habang nakatingin sa papalubog na araw. Kanina pa siya ganyan ng mabitin siya sa gusto niya mangyari. Akala niya ata ay madadala niya ulit ako sa pagpaparamdam ng init sa katawan ko. Pwes, mali siya.
“Bat ka nakasimangot?” maang kong tanong sa kanya bago hinawakan ang mukha niya. Hindi niya ako pinansin at titig na titig lang sa araw na malapit na lumubog.
Ang sarap talaga sa pakiramdam ng simoy ng hangin sa tabing dagat. Ang layo sa reyalidad at usok na nasa manila. Ang mga alon na nagpapalungkot at nagpapagaan ng nararamdaman ko.
Ang alon na sa tuwing naririnig ko ay biglang nawawala akong problema ko. Pakiramdam ko ay kasabay rin nitong inaagos ang problema papalayo sakin.
“Alam mo,” tumingin ako sa kanya ng unti-unting umaliwalas ang mukha niya. “Akala ko hindi ko na magagawa to kasama ka”
Akala ko rin. Katulad niya ay nasa bucket list ko rin ‘to. Itong makasama siya manuod sa pagbaba ng araw ng walang tao.
“Akala mo lang yun” nakangiti kong sabi bago pinikit ang mga mata ko.
Gusto ko dito. Gusto ko sa lugar na ‘to kung saan ang pwede mapag-isa at makapag-isip ng maayos. Malayoo sa mga mapanghusga na mga tao at maiinagy na busina ng mga sasakyan. Ako, ang malakas na hangin at ang ingay ng humahampas na alon. Ang sarap sa pakiramdam.
“Nachekan ko na ang isa. Sigurado akong sayo rin,” nakangiti niyang sabi bago nilabas ang piraso nang papel na nasa likod ng cellphone niya. “Next,”
“Wow,” mangha kong sabi nang tuloy-tuloy nang pagputok ng mga fireworks sa langit kasabay ng tuluyan na pagkawala ng sikat ng araw.
“Fireworks” nakangiti niyang sabi bago hinawakan ang kamay ko at inalalayan ako tumango.
Pinaghandaan niya ‘to? Kaya ba hindi rin siya aalis hanggat hindi ako kasama dito?
Unti-unting nangilid ang luha ko. Mas lalong gumulo ang pakiramdam ko ngayon. Ang nararamdaman ko sa kanya.
“Sabi mo sakin dati, kung lolokohin kita ay iiwan mo ako ng walang pag-aalinlangan. Hindi kita niloko, Catalina. Handa akong patunayan sayo na ikaw at ikaw lang ang minahal ko.”
Yumuko ako. Ako ba ang may mali sa lahat nang nangyari dati?
Umalis ako at hindi na siya sinipot pagtapos nang makita ko ang mga bagay nay un pero bat ganito. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan.
“Naalala mo nang una tayong mag kita. Naiinis ako sa sarili ko no’n dahil lagi akong pinapangunahan ng hiya. Ikaw pa tuloy ang lumapit sakin at nakipag-usap,” muling bumalik ang isip ko nang panahon na sinasabi niya.
Pinakilala siya ni Rio at Octavia sakin. Yung panahon na sinabi ko sa sarili ko na kahit kalian ay hindi ko siya sasaktan pag mapunta siya sakin.
Yun din ang panahon na bigla akong na curious sa uniform, eyebags, katawan at buhok ko. Inaalala ko nab aka hindi niya ako magustuhan dahil mas maganda ang ibang nakapaligid sa kanya.
“Nag paalam ka no’n. sabi mo mag babanyo ka lang pero pag labas mo, iba ka na. parang huminto mundo ko noong nakita kong nakatali ang buhok mo. Nasabi ko nalang sa sarili ko na ‘shet, ito na. siya na talaga’.” Marahan siyang tumawa at inakbayan ako bago hinila papalapit sa kanya.
Napangiti ako. Yung araw na rin yun na nag-aya siyang kumain at wala akong pera, dahil di ko naman ugali na magpalibre sa lalaki ay bitbit ko ang 100 pesos kong pera. Baka pagbayarin ako eh.
“Yung araw na rin yun, hinawakan mo ang kamay ko ng pauwi na tayo.”
“Ikaw kaya ang humawak sa kamay ko!” kontra ko.
Totoo naman. Siya ang humawak sa kamay ko ng gabi na ‘yon. Marami na kasing tao at madalas akong nahuhuli sa kanila dahil sa daming bumubunggo sakin sa daan nang hawakan niya ang kamay ko. Ang kapal lang talaga ng mukha niya na sabihin na ako ang unang humawak ng kamay niya.
“Oo na. ako na,” suko niya bago hinalikan ako sa noo.
“Naalala ko kung paano mo kunin ang first kiss ko dati,” pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko sa sinabi niya.
Ako ang kumuha ng first kiss niya, hindi ko naman alam na ako pala ang first kiss niya, basta ang anasa isip ko lang no’n ay gusto ko siya ikiss dahil mahaba pa ang byahe niya pauwi ng gabi na ‘yon. Nalaman ko nalang ‘yon nang nag-aasaran kaming dalawa tungkol sa nangyari.
“Bat mo pa ba binabalik yan?” pilit ko siyang sungitan. Pakiramdam ko kasi ay ako palagi ang napapahiya sa tuwing nag sasabi siya tungkol sa nakaraan namin. Dahil karamihan din ay ako ang nag first move dahil sa pagiging mahiyain niya at sensitive na lalaki.
“Yun kasi ang masasayang ala-ala sa relasyon natin,” natahimik ako. “Kung titignan ng iba ay halatang mababaw lang ‘to pero sa tuwing tayong dalawa ang magksama na gumagawa. Hindi mababaw para sakin ‘yon”
“Naalala mo ‘yong tumahimik ka at di ako mapanatag na umuwi dahil pumunta ako sa school niyo ng hindi nag papaalam kay mama. Alam mob a na hindi ko alam kung anong gagawin ko no’n. pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko.”
Yung panahon na sinabi ko sa kanya na wag siyang luluwas ng hindi nag papaalam. Pero makulit siya. sa gusto niya akong puntahan at sakto na maaga ang labas nila ay pumunta siya sa school.
Todo tago pa siya non ng cellphone niya. Pinagalitan na pala siya dahil gabi na at hindi pa rin umuuwi.
“Ang kulit mo kasi,” ani ko.
Piningot niya ang ilong ko bago ako niyakap. Yakap na mahigpit at ayaw na bitawan. “Mas makulit ka, binitin mo ko kanina. Hindi moa lam kung gaano kasakit sa puson ang ginawa mo,”
Natawa ako sa minamktol niya. “Hindi ko naman sinabi na gawin mo ‘yon,”
Napa-tingin ako sa fireworks. Ang daming kulay. Ang ganda niya tignan habang nasa langit.
Ang fireworks parang relasyon namin. Maganda’t makulay pero sa hindi katagalan ay unti-unti ring nag laho.
“Ang ganda nila” sabi niya bago humiwalay sakin at ngumiti. “Check na ulit ang nasa bucket list mo,”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya nang maalala ko ang laman ng bucket list ko dati. Ang manuod ng fireworks kasama siya, habang malakas at rinig ang hampas ng alon. Oo nga.
“Bakit mo ba to ginagawa?” ani ko.
Hindi ko talaga alam ang tunay niyang dahilan kung bat niya ‘to ginagawa. Kung bat ulit siya nanunuyo sakin kahit alam niyang walang patutunguhan ang mga ‘to.
“Kasi asawa kita, at mahal na mahal.” Seryoso ang mga mata niya habang binabanggit niya ‘yon. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
Hindi ko alam pero ang mga mata na yun. Ang mga mata na sobrang nagustuhan ko sa kanya ng mga panahon na mag kasama kaming dalawa. Ang mga mata niya na puno ng sinseredad sa bawat sinasabi niya at mga kilos na ginagawa.
“Tumingin ka sakin Catalina,” kinuha niya ang baba ko at hinarap sa kanya ang mukha ko. “May tatlo lang akong rason kung bat ko ‘to ginagawa,”
“Ano?”
“Una. Gusto kong mag kayos tayo. Gusto ko ayusin ang mga gusot at problema na iniwna ko sayo dati kahit pakiramdam ko ay huli na ang lahat. Pangalawa, gusto kitang makasama habang buhay. Hindi lang dahil asawa na kita kundi mahal na mahal kita.” Sandali siyang huminto at nilapit ang mukha niya sakin.
“At ang huli. Ito ang mga bagay na una nating pinangarap na mag kasama.”
Marahan niyang dinampi ang labi niya sa labi ko
Kasabay ng malakas na hangin, ang ingay na nag mumula sa kalangitan at ang malalakas na hampas ng alon na nag papaingay sa buong lugar. Naging saksi silang lahat sa nangyari ngayong gabi, kung paano namin tuparin unti-unting tuparin ang pangarao naming dalawa na mag kasama.
“Nilalamig na ako,” sabi ko at iniwan na siya.
“Painitin natin” masamang tingin ang pinukol ko sa kanya.
Kahit kalian talaga ‘tong lalaki na to. Ang hilig.
“MA.LI.BOG” dahan-dahan kong sabi sa kanya bago tumakbo sa bahay. Rinig ko naman ang sigaw niya na humahabol sakin.
Pumasok ako sa loob ng bahay at dimiretso ng kwaero, hindi rin nag tagal ay pumasok na rin siya.
Mainit na halik ang agad na sinalubong niya sakin. Wala akong pag-aalinlangan na tinutugon ko ang mga halik na binibigay niya sakin.
Wala naman masama kung paulit-ulit namin gawin. Dahil kahit sabihin ko na hiwalay na kami ay mag asawa pa rin kami sa harap ng diyos.
“M-miguel” mahinang hiyaw ko sa pangalan niya ng mabilis niyang tinanggal ang pang-itaas ko.
Sinunggaban niya ang dibdib ko habang ang kabilang kamay niya ay unti-unting hinuhubad ang short na suot ko.
“Ahh” kusang napaliyad ang katawan ko ng hinawakan niya ang p********e ko. Napa-kagat ako ng labi ko sa muling init na sumisiklab sa buo kong katawan.
“Kahit kalian hindi ako mag sasawa sa mga to,” aniya at hinalikan ako sa labi. Pinulupot ko ang dalawang kamay ko sa batok niya at hinahayaan ang sarili na patuloy na lumiyad kasabay ng paghimas niya sa p********e ko.
“Hindi mo na ako mabibitin ngayon, Catalina.”