Chapter 3: THE LOYAL MARINO
“Ano nanaman ba ginagawa mo dito?” inis kong tanong. Nakangiti lang sya sakin at nilapag sa lamesa ang hawak nyang pagkain.
Ano nanaman problema nang isa na to at nandito nanaman. Kulang nalang ay mag paampon na siya at dito nalang tumira para uratin ako. Ito naman sila mama at papa ay pumapayag na pumunta at matulog dito ang lalaking ‘to.
“Susunduin ka,” lumapit siya sakin bago ako marahan na hinila papalapit sa kanya. “Punta tayong baguio”
Baguio? Ano nanaman ang trip niya at nag-aaya pumunta don. Ang alam ko ay ayaw nya don. Sabi niya pa nga sakin na kahit anong mangyari ay hindi siya pupunta sa lugar na ‘yon.
“ayoko” kinuha ko ang braso ko na hawak niya at dumiretso sa lamesa.
Ayaw ko siyang makasama. Ayaw kong makita nanaman ang sarili ko na masaya kasama niya. Sa huli rin naman ay iiwan niya rin ako at sasampa nang walang paalam.
“Diba gusto mo doon?” umiling ako. Hindi na, Miguel.
Kinalimutan ko na ang kagustuhan ko pumunta sa baguio. Simula ng nawala ka nalang nang parang bula at makita ka ng gabi na ‘yon. Kinalimutan ko na lahat nang gusto kong gawin na kasama ka. Lahat ‘yon ay pinalitan ko nang ako lang mag-isa.
Ayun naman na talaga. Gusto ko gumala na ako nalang mag-isa, kung saan maaliwalas at walang kahit sinong nakakilala sakin. Wala na siya sa lahat ng pangarap ko dahil puro nalang ako. Ako at ako lang.
“san mo gusto?” wala.
“wala. Wala akong gusto.” Sabi ko at akmang aalis nan g hilahin niya ulit ang braso ko.
Nakakapansin na ako,. Kanina niya pa ako hinihila pati, bakit ang tahimik nang buong bahay? Nilibot ko ang paningin ko. Walang tao sa sala at bukas ang mga kwarto na kadalasan na ginagawa pag walang tao.
“Alam ko. Hindi mo ko gusto, dahil mahal mo ako diba?” abat nanaman!
“ang kapal talaga ng mukha mo!” bwisit talaga ‘tong lalaki na to. Wala nang ginawa kundi ang kahanginan sa buhay at uratin ako.
“Bihis ka na. aalis tayo.”
“Ayoko nga sabi--,” hindi ko maituloy ang sasabihin ko ng isang halik ang nagpatahimik sakin.
Halik na matagal nang hindi natitikman. Muli ko nanaman naramdaman ang malakas na kabog ng dibdib ko. Tangina talaga. Bat ba ang rupok ko?
“Mag bibihis ka, o ikukulong kita sa kwarto na kasama ako?” agad na namula ang mukha sa sinabi niya at mabilis na umakyat sa kwarto ko. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa bago ako umakyat.
Shet! Nakita niyang affected pa rin ako sa kanya. Hindi self! Kailangan mom aging matatag. Hindi mo kailangan marupok sa kanya. Tandaan mo ang ginawa ng lalaki sayo na ‘yan dati.
Sinaktan ka niya kahit pinangako niya na hindi. Humanap siya ng iba kahit kasal na kayong dalawa. Niloko ka niya kaya dapat magalit ka sa kanya. Napabuntong hininga nalang ako.
Kahit ano naman pangungumbinsi ko sa sarili ko ay hindi ko pa rin naman makuhang magalit sa kanya. Napa-upo nalang sa kama ko. Bakit ba kasi ang rupok ko pag dating sa kanya?
Kumuha ako ng damit at isang tuwalya. Hindi naman kami mayaman para magkaroon ng banyo sa loob ng kwaarto namin kaya kailangan ko pa bumababa para maligo. ‘yon nalang ang choice ko o sasama ako sa kanya na wala pang ligo.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Nakita ko syang tahimik na naka-upo sa sala habang nakabukas ang tv. Agad akong pumunta sa banyo at mabilis na nilock.
“Bat kasi wala sila mama dito” kahit kalian talaga ay bugaw sila. Kung sabagay, alam naman nila na wala pa akong nagiging boyfriend simula ng una.
Nagpakasal kami na hindi legal sa side ko. Kami lang apat ang nakaalam na kasal na kaming dalawa. Sa sobrang takot namin na mawala ang isa’t-isa ay naisipan namin ‘yon. Wala naman nag bawal dahil nasa legal na edad na rin kami that time kaya hindi na kami kwinesyon pa.
Nag umpisa na ako magbuhos sa katawan. Hahayaan ko nalang siya maghintay don. ‘yon naman ang sabi niya, na mag bihis ako at di sinabi na bilisan ko kaya I will take my time.
MAHIGIT isang oras din akong nasa banyo para maligo. Wala naman akong narinig na reklamo sa kanya sa tagal kong maligo. Mukhang sanay na ata siya mag hintay ngayon.
“Owshit” tangin nasabi ko nang makita ang mga damit ko na lumulutang na sa drum na puno ng tubig. Napahilamos nalang ako ng mukha ko.
Marupok na nga, malas pa.
Paano na ‘to? Napasabunot ako sa sarili ko. Kahit kalian talaga ang tanga-tanga ko minsan at di iniisip ang mga bagay bago gawin. Yan tuloy.
May dalawa lang akong choice. Lalabas akong nakatapis o magpapakuha ako sa kanya ng mga damit ko sa kwarto.
Pag lalabas akong nakatapis. Siguradong aasarin niya lang ang katawan ko na madalas niyang ginagawa at kung magpapakuha ako sa kanya ng damit sa kwarto ay nakakahiya naman pati panty kukunin niya.
Hayst! Bahala na! kinuha ko ang tuwalya at pinulupot sa katawan ko. Wala naman ata siyang gagawin kung sakaliman.
Dahan-dahan akong lumabas ng banyo at tinignan ang salas pero wala na siya doon. San nanaman lupalop pumunta ‘yong lalaki na yun? Nag kibit balikat nalang ako. Edi mas ayos na wala na siya dito kesa kung ano-ano pa marinig ko sa kanya.
Dire-diretso akong pumunta sa kwarto ko at halos lumuwa ang mata ko ng makita kung sino ang nakahiga sa kama. Si Miguel.
Agad akong kumuha ng damit ko sa gilid ng kama. Hindi niya ako pwedeng maabutan na nakatapis lang dito ngayon. Nag madali akong nag bihis sa banyo at muling pumasok sa kwarto ko kung saan siya natutulog.
Kahit kalian talaga ‘tong lalaki na to. Pag alam niya na akin ay hindi na siya hihingi ng permiso at agad niya nang papasukin o papakelaman.
“alam mo ang kapal talaga ng mukha mo,” bulong ko ng makalapit ako sa kanya. Tinitigan ko ang buong mukha niya.
Doon ko lang napansin na namayat siya. ang mukha niya dating medyo chubby ay medyo umpimpis pati na rin ang mga braso niya na napalitan nang muscle.
“Tama ka nga. Sabi mo sakin dati isa kang loyal,” napangiti ako.
Ang ‘the LOYAL’, Mga marinong loyal sa asawa o girlfriend pero at the end of the day medyo totoo, hindi todo. Mga marinong puro medyo lang, medyo totoo pero totoong na aattract at napapatingin pa rin sa iba. Kaya kung ako sayo iwan mo na rin ang ganito dahil attracted pa rin sa iba.
“Akala ko ba akin ka lang. Bat ka pa tumingin sa iba?” hinimas ko ang buhok niya. “Bat iniwan mo ko dati. Yan tuloy.”
Naalala ko nanaman ‘yong panahon na yun. Bagay na sumira samin pati na rin sa relasyon namin dalawa. Panahon na akala ko, ako lang mahal niya pero hindi pala. Dahil attracted pa rin siya sa iba.
Attracted pa rin siya kay Sam.
Si Sam na kahit kalian hindi ko kayang pantayan. Si Sam na matalino, sexy, maganda, mabait at galing sa magandang pamilya. Walang-wala ako kumpara sa kanya. Kahit sinong papapiliin ay si Sam ang pipilin kumpara sakin kaya ano pa nga ba aasahan ko.
“Hindi naman ako tumingin sa iba,”
“Ay butiki!” halos atakihin ako sa puso ng bigla siyang mag salita. Akala ko ba tuloh ‘tong isang to.
“Hindi naman ako tumingin sa iba. Wala naman akong ginawang mali.” Malungkot niyang sabi. “Mali kong sinundo si Sam para makita mo ‘yon. Maling-mali pero bat hindi mo pakinggan paliwanag ko ngayon?”
“Hindi na kailangan,” Dahil matagal na ‘yon. Matagal na panahon na nangyari ‘yon. Tatlong taon na ang lumipas at sa tingin ko hindi na kailangan ng kahit anong paliwanag samin dalawa dahil tapos na. tapos na kami.
Sandal siyang tumahimik at narinig ko nalang ang buntong hininga niya. Marahan siyang umupo mula sa pagkakahiga at lumapit sakin. Lumapit sa mukha ko at isang maling galaw ay tuluyan na mag dadampi ang labi namin.
“Mahal na mahal kita, Catalina.” Kasabay non ay ang pag-angkin niya sa mga labi ko.
Ang sinasabi ng isip ko ay wag. Tama na. pero ang ginagawa ng puso’t isip ko ay ayos lang. marahan kong sinabayan ang halik niya. Ang halik nanaman niya na nag papawala sa sarili ko.
“Catalina,” nilayo niya ang mukha niya sakin at tinignan ako diretso sa mata ko.
“Be mine, again. Catalina,” wala ako sa sariling tumango.
Bat ganito. Bat ganito ang ginagawa ng katawan ko. Agad niya akong sinunggaban ng halik.
Isang malalim na halik na mas lalong nag papawala sakin sa sarili. Alam kong mahirap lang kami pero hindi naman ganito kainit ang kwarto ko katulad ng nararamdaman ko ngayon.
Ang init. Sobrang init. Gusting kumawala ng init na nasa katawan ko.
“Hmm” napapikit ako ng maramdaman ko ang pagkakiliti sa leeg ko. Ang labi niya na unti-unting bumubaba muka sa leeg ko na mas lalong nag paparamdam sakin ng kakaibang init ng katawan pati na rin sa pagkabasa ng maselang bahagi ko.
“Can I, Catalina?”