NATHAN POV Nakipag beso si Hannah sa papa niya bago ito maupo. Samantalang tiningnan naman ako nito ng masama. "Nasaan ang cr ninyo Hannah? Baka pwedeng maki cr ako?" pagpapaalam ko sa kanya. "Katabi ng kusina," saad ng papa niya. Naglakad na ako papunta sa cr pero bigla kong narinig ang papa ni Hannah na nagsalita. "What is wrong with you, Hannah? Bakit dito ka pa nagpatira? At hindi lang lalaki ha? Mukhang palamunin pa. I don't like seeing him here so you have to make sure na ililipat mo yan ng tirahan. And make sure that he speaks in English especially he's here." Halos napahinto ako sa lakad, tagos na tagos ang sakit sa puso ko. Kaya dapat ay pilitin kong humiwalay kaagad dahil ayaw ko ng may masasabi sa akin ang papa niya. "Dad don't worry, ako ang bahala sa kanya. He speak

