NATHAN POV Gabi na dito sa New York ng makarating kaming dalawa ni Hannah! Ang lamig ng lugar at sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakakita ng snow. Para akong bata na tuwang tuwa dahil sa nangyari. Hindi ko lubos akalain na nasa USA na ako. Para lang itong isang panaginip. Pinicturan pa nga ako ni Hannah na labis ko namang ikinatuwa. Marami akong nakitang mga Americans, mga blonde ang mga buhok at matatangos ang kanilang mga ilong. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Sayang, sana may pagkakataon din na maipasyal ko ang pamilya ko rito sa New York dahil this is the best. Nang makarating kaming dalawa sa bahay ni Hannah, walang tao rito sa loob. "Mukhang wala pa si Dad ha? Saktong sakto, mabuti na lamang at wala rin siya ngayon." Ini lock niya ang pintuan at napatingin itong

