NATHAN POV Nagpunta kami sa isang restaurant at tamang kape lang. Walang masyadong tao sa loob kaya naging tahimik ang lugar na ito. Tamang higop lang kaming dalawa ng kape ni si Joyce. "Mahal mo pa rin ba ako?" ito ang tanong na gustong marinig ng puso ko pero pinipigilan ko lamang ang sarili ko. "Siya nga pala..." sabay naming sabi. "Sige mauna ka na..." sambit niya. Napabuntong hininga ako ng malalim. Humigop muna ako ng mainit na kape bago muling magsalita. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. "Yung nangyari sa airport... two years ago ang nakakaraan... gusto kong manghingi ng sorry sa nangyaring yun. Bilang breadwiner ng pamilya, kailangan ko talagang magsakripisyo para sa pamilya ko." "Naiintindihan ko naman ang tungkol sa bagay na yan. At least nabigyan mo na ng maganda

