NANLAKI ang mata ni Cielo nang makita ang malaking sugat at dugo sa may binti ni Rocco. Kabababa lang nito ng mga sinibak na kahoy. Magtatayo sana sila ng bonfire para magka-ilaw at para na rin makabawas sa lamig na mararamdaman nila ngayong magpapalipas sila ng gabi sa isla. Umismid naman si Rocco nang makita ang reaksyon niya. "Don't worry about it. Malayo 'yan sa bituka," "Pero kailangan pa rin natin 'yan na gamutin. Baka magka-infection ka," Nag-aalalang wika ni Cielo at pagkatapos ay naghalungkat ng puwedeng gamitin para sa sugat ni Rocco sa bag na dala niya. Inilabas niya ang alcohol at panyo niya. "Umupo ka," "Kailangan kong magpa-apoy. Baka mahirapan tayo mamaya," Umiling si Cielo. "Mas kailangan mong magamot muna," Nang hindi pa rin siya pinansin ni Rocco ay hinawakan na niy

