"'WAG kang paranoid. Ilang beses ko bang uulitin na safe sa akin si Rocco? Hindi ko siya type!" Napangiwi si Rocco sa halos pasigaw ng si Cielo sa cell phone. Hindi na niya kailangan na tanungin pa kung sino ang tumawag. Halos oras-oras naman kasi ay tumatawag si Stella kay Cielo at pinagbabantaan ito. Sa paglipas ng mga araw ay mas nararamdaman ni Rocco na hindi siya type ni Cielo. Paulit-ulit na kasi nitong sinasabi kay Stella na hindi siya nito type. And somehow, naiinis siya sa sarili dahil naiinis siya kay Cielo. Parang sugat sa ego niya na wala itong gusto sa kanya. Pero para sa ikabubuti naman iyon 'di ba? Gusto rin niya dapat iyon. Pero hindi ba niya maintindihan kung bakit parang may kumikirot sa puso niya. Inagaw ni Rocco kay Cielo ang cell phone. "You don't have to worry, be

