Present NAPAPIKIT si Cielo nang sa wakas ay nakalubog rin ang katawan niya sa tubig. The feeling is nice and warm. Tama lang ang temperature ng tubig sa gusto niya. Ang unang activity na ginawa ni Cielo pagkatapos mag-check in sa RDS resort ay ang mag-swimming. The resort offers a lot of pools---kiddie and even Olympic sizes. Dahil mahilig siya na mag-swimming at marunong rin naman, pinili niya ang Olympic size. Suwerteng wala rin na tao roon dahil hindi naman peak season. At peace si Cielo---ang pakiramdam na hinahanap niya sa loob ng ilang linggo simula nang mamatay ang Mommy niya. Pero sa kabila noon, parang gusto niyang maiyak. Because at long last, she is already on a place where she could escape the pain... Sigurado ka ba? Napamulat si Cielo nang pumasok sa isip niya ang tanong n

