Years Ago... MALAPIT nang magsugat ang labi ni Cielo dahil sa ilang ulit na pagkagat noon. Pinipigilan niya ang sarili na mapaiyak dahil nasa public place siya. Nakakahiya at ayaw niyang umagaw ng atensyon. Pero ayaw naman niyang umuwi dahil ayaw niyang makita ni Stella at ng pamilya nito na malungkot siya. Sa bahay siya ng mga ito tumutuloy. Napagdesisyunan rin ni Cielo na huwag pumasok ng trabaho. Ayaw rin niyang magtanong ang mga katrabaho ng nararamdaman. Gusto niyang mag-isa para na rin makapag-isip tungkol sa problemang bumungad sa kanya kaninang umaga. Nalaman ni Cielo mula sa Mommy niya na naghiwalay na ang mga ito at ang Daddy niya. May babae raw ang Daddy niya. Masakit para kay Cielo ang balita. Simula bata siya ay idolo na niya ang mga magulang niya. Malaki rin ang respeto n

