Part 5

3105 Words
7 years later... "HAPPY Holloween!" masiglang sigaw ni Ysabelle nang dumapo sa kanilang mga balat ang malamig na simoy ng hangin. Sabay-sabay na napatingin sa kanya ang kanyang mga kaibigan. "Valentine's pa lang, Ysabelle." ani Lorraine sa kanya. "Eh, sa gusto ko ng Holloween, eh! Ano ba'ng pakialam niyo?" mataray niyang sabi sa mga ito habang nagse-stretching. Daily routine na kasi nila ang mag-exercise gaya ng pagja-jogging tuwing umaga simula nang magsama-sama sila sa iisang bubong sa isang Condo unit sa Rising Star Condominium. Malaki-laki ang isang unit na may dalawa ring malalaking kuwarto kaya kasyang-kasya silang apat. Dalawa ang kama ng bawat kuwarto. Ayaw kasi nilang magkahiwa-hiwalay kahit na kaya naman nilang magrent ng kani-kanilang mga condo unit dahil malaki ang sinu-sweldo nila sa trabaho nila sa DC Empire. Isa na siyang chief accountant doon pero dahil nga saksakan sila ng kakuriputan kaya pati sa rent ng unit ay pinaghahatian pa nila upang makatipid daw. Binato siya ng nakaupong si Lorraine ng maliliit na bato na napulot nito sa tabi nito. "Aray--Ano ba? Masakit 'ha?" saway niya rito habang sinasalag ng kamay ang mga ibinabato nito sa kanya. "Ayan, matuto ka! 'Wag mo nang mataray-tarayan ang beauty ko 'ha?" sabi ni Lorraine. "Ang bitter mo kasi 'te!" sabad naman ni Sharmaine. "Ang tagal-tagal na no'ng mangyari ang heartbreak mo tapos hindi ka pa rin maka-get over." "Eh, bakit. Ako lang ba?" "At least kami, hindi namin dinadamay ang mga pobreng araw tulad ng Valentine's day." katwiran ni Lorraine na simula nang ma-broken hearted kay Wilter ay walang patid ang pakikipagdate sa mga lalaki. "Nasasabi niyo lang iyan kasi hindi niyo naramdaman 'yong nararamdaman ko noon." litanya niya sa mga ito. "Hoy, nasaktan din kami 'no?" ani Nickie. Noong araw kasi ng pag-e-emote niya sa paghihiwalay nila ng hudas niyang ex-boyfriend ay isa-isang nagbalikan sa bahay niya ang mga kaibigan at pare-pareho ang mga hitsura. Lost and broken. "Tama na nga 'yan! Magkape na lang tayo. Hindi ba kayo nilalamig?" ani Lorraine. "Doon tayo sa First Love." dagdag nito na ang tinutukoy ay ang coffee shop na madalas nilang pinag-aalmusalan pagkatapos nilang mag-jogging tuwing umaga. "Ayoko r'yan. Magpapa-cute ka lang, eh." sabi niya. Nakita kasi niyang may pumasok na grupo ng mga lalaki sa naturang coffee shop. "Hindi, magkakape lang tayo..." hinila siya nito. "At magpapa-cute." dugtong nito. "Nakita kong maraming nakasabit na puso do'n. Ayoko!" sigaw niya sa mga ito nang ipagpilitan siyang dalhin ng mga ito sa First Love. Hila-hila siya sa dalawang kamay nina Sharmaine at Lorraine habang si Nickie naman ay pilit na tinutulak siya sa likod. "Pustahan tayo dudugo ang mga tainga natin sa mga mushy love songs nila r'yan." "Hanggang kailan ka magiging ganyan, Sasa?" nayayamot na tanong sa kanya ni Lorraine. "Everytime we try to pair you up with someone, hindi pa man nagsisimulang manligaw ay binabasted mo na." "Eh, bakit ba kasi lovelife ko ang iniintindi niyo?" "You've been in prison with that past love of yours for so many years already." "7 years, 11 months and 2 days to be exact." sabi ni Nickie. "So what?" sabi niya. "At hanggang ngayon, hindi ka pa rin nakaka-move on. Paano ka namin hindi iintindihin?" "Paano ba ako makaka-move on kung taun-taon sine-celebrate ng buong mundo ang pagkasawi ng puso ko? Kung sa araw-araw ng buhay ko nar'yan kayo para ipaalala ang masakit na pangyayaring iyon ng buhay ko?" talak niya sa mga ito. "Alam mo, it doesn't have to hurt unless you want it too." "That's the point! Hindi ko makalimutan ang ginawa sa akin ng tarantadong ex kong iyon dahil ginusto kong maalala, dahil ayokong makalimutan! Para kapag nakita ko siya, I would give him a piece of what I've learned from my Judo lessons." puno pa rin ng hinanakit na sabi niya sa mga ito. "Gusto ko kapag gumanti ako sa kanya. Buong-buo pa rin ang galit ko para damang-dama niya ang nagbabaga kong galit para sa kanya." Saglit na tumahimik ang mga ito. "Pinakinggan ka na namin." maya-maya'y sabi ni Lorraine. "Can we go inside, now?" tanong nito sa kanya. "Cause I'm really really starving." "Starving mo mukha mo. Gutom sa lalaki 'kamo." tiningnan siya ni Lorraine nang masama. "Papasok ka ba o kakaladkarin ka namin papasok?" "No, thanks. I would rather choose life." pero hinila na siya ng mga ito papasok sa loob. Hindi nga siya nagkamali. Namumutiktik sa dekorasyong puso at cupids ang buong First Love coffee shop. Naririnig din niya ang makabasag-eardrums na mga mushy love songs doon. Biglang may pumitik ng ilong niya. "Patayin niyo na lang ako!" sigaw niya. Isa-isang tinakpan ng mga kaibigan niya ang bibig niya. "Ah...pasensiya na 'ho." hinging-paumanhin ni Nickie sa ibang customers na napatingin sa dako nila. "May hang-over pa kasi itong kaibigan namin sa horror movie na pinanood namin kagabi." Pagkatapos ng ilang smiles at pa-cute ay tahimik na silang naupo sa madalas nilang inuupuan sa naturang coffee shop. Siniko ni Lorraine si Sharmaine. "Sabi ko sa inyo may cute, eh." pagmamalaki ng una sa kanila. "Eh, diyan ka lang naman magaling, eh. Sa boy-hunting." sagot dito ng huli. "Ano ba'ng napapala niyo sa mga iyan? Sakit lang naman ang mga iyan sa ulo natin." Hindi siya pinansin ng mga ito. Sa halip ay tinawag ni Lorraine ang isang waiter at naglabas ng isang libong papel. "My friend here wants to buy that guy a drink." anito na ang tinutukoy na friend ay siya. Napakakuripot nito pero pagdating sa lalaking irerekomenda sa kanya ay napakagalante nito. "Hoy, Lorraine. Idispatsa mo iyan kung ayaw mong ipahiya ko 'yan sa harapan ninyo." banta niya rito nang lingunin sila ng lalaki at kawayan sila. Saglit itong nagpaalam sa mga kasama nito at lumapit sa table nila. "Hi, I'm Hideo. I heard you bought me a drink so--" "Yes! We bought you a drink for my friend but she's to shy to introduce herself to you so--Aah!" natigilan ito dahil tinapakan niya ito sa paa. "Something wrong?" nag-aalalang tanong nito kay Lorraine. "N-no, none! I just bit my tongue." pagdadahilan nito sa lalaki. Nahihirapan din kasi itong mag-explain sa binata dahil hindi rin nito gustong ipahiya ito. "Hideo, could you give us your number?" tanong niya rito. Naaawa na kasi siya sa kaibigan niyang hindi alam kung paano paaalisin nang maayos ang lalaki. "Okay." nakangiting ibinigay nito sa kanya ang number nito. "Interesado ka rin pala sa kanya, eh." sabi sa kanya ni Sharmaine nang makaalis na ang binata. "Hindi ako interesado sa kanya. Hindi ko kailangan ng batong ipupukpok sa ulo ko para lang makalimot." bored na sabi niya sa mga ito habang sinisipsip ang frappuccino niya. "Hindi batu-bato ang mga iyan. Gloria iyan." nakangusong sabi sa kanya ni Lorraine. Napailing na lang siya. There is no use explaining her feelings to her friends. They are too cool to even listen to her. Nagsasawa na rin kasi ang mga ito sa mga negative words and thoughts niya against boys, hearts and love. NAGTATAKA si Ysabelle kung bakit siya ipinapatawag ng kanilang big boss. Wala naman siyang natatandaang kasalanan o ipinag-uutos nitong hindi niya nagawa kaya lalo siyang nagtaka. "Ysabelle, kanina ka pa hinihintay ni boss sa loob. Tuloy ka na." bungad sa kanya ng nakangiting sekretarya ng big boss nila. Mabait at reliable ito kaya madali niya itong nakapalagayan ng loob. Ngumiti siya rito. "Thanks, Kat." tumuloy na siya sa loob. "Sir, ipinapatawag niyo raw 'ho ako?" bungad na tanong niya kay Mr. Juanito De Castro, ang boss nila. "Yes, hija. Maupo ka." utos nito sa kanya habang abala sa pagpipirma ng mga papeles na kadadala lang dito ng mga taga-admin. Nakita kasi niyang nanggaling doon ang supervisor ng naturang department. "May problema 'ho ba, sir?" alanganing tanong niya. "No, may i-a-assign lang ako sa'yong project." sagot nito habang tinatapos ang pagpipirma. "I will ask you to attend the Baguio Conference this coming Wednesday." patuloy nito pagkatapos pirmahan ang lahat ng mga papeles na nakakalat sa table nito. "With my son." "Ho? Eh, two days from now na 'ho iyon, ah." gulat na bulalas niya. "Sir, marami 'ho akong maiiwang trabaho kung ganoon. Sa thursday pa 'ho kasi ang sinabi niyong deadline ng mga financial statements na hinihingi niyo sa akin, eh." "Are you telling me that you're rejecting this conference?" tila nililinaw na tanong nito sa kanya. "No, sir. Actually, gusto ko nga talaga iyon." kasi hindi sine-celebrate ang pesteng Valentine's day do'nsabi niya sa isip niya. "Kaso marami akong maiiwanang trabaho rito. "Kung iyon lang naman pala ang inaalala mo'y 'wag mo nang isipin 'yon dahil marami namang gagawa noon dito habang wala ka." sabi nito sa kanya. Sumang-ayon na siya. "Eh, sir. Nabanggit niyo 'ho kanina iyong tungkol sa makakasama ko. Sino nga 'ho ulit iyon?" "My son. You'll meet him on Wednesday. Sabay kayong bi-biyahe papuntang Baguio. Sa ngayon, umuwi ka na muna para makapaghanda ka na ng mga dadalhin mo." Palabas na sana siya nang may maalala. "Sir?" humarap siya rito. "If you don't mind my asking, Bakit 'ho ako ang napili niyong ipadala sa Baguio Conference?" Natigilan ito. Tila hindi inaasahan ang kanyang tanong kaya hindi ito makaapuhap ng sasabihin. And by acting that way, reminds her of the only man who had broken her heart seven years ago. The man she had hated ever since they parted ways. Funny but while looking at the confusion in the old man's face, she saw an old version of Zack in it. Nababaliw na yata talaga siya. Kapag kasi ganoong mga panahon--lalo na kung Valentine's day ay lagi na lang parang multong susulpot ang imahe ng nakangiting si Zack sa isipan niya kaya ganoon na lang ang na-iimagine niya. "I just thought you might need it." sa wakas ay sabi nito. "Your friends told me you needed this the most. Inalok ko rin sa kanila ang Conference pero tinanggihan nila dahil higit sa kanila'y ikaw raw ang may kailangan no'n. Ayaw mo raw kasing sine-celebrate ang Valentine's day." Hindi niya alam kung pasasalamatan o mabu-buwisit sa kadaldalan ng mga kaibigan niya. Iisa lang kasi ang kompanyang pinagtatrabahuhan nila kaya kilala rin ang mga ito ng boss niya. "Pareho kayo ng anak ko." dugtong nito. "He has always been miserable since that fateful Day of Hearts. He had also hated that day because it reminds him of the only girl he would ever love for the rest of his life." kuwento nito sa kanya na may bahid nang lungkot ang tono. "Noon ko lang nakita ang anak ko sa gano'ng ka-miserableng sitwasyon. Halos hindi mo makausap at laging aburido sa buhay. Madalas din kung maglasing siya. Maging ang mga kaibigan niya'y nag-aalala na para sa kanya dahil hindi naman siya dating gano'n. Nagalit pa nga siya sa akin dahil isa raw ako sa mga dahilan kung bakit nawala raw sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya." makahulugan siyang tiningnan nito na ikinakunot ng noo niya. "After three years of misery, pinilit niyang maka-recover dahil na rin sa pakiusap ng mama niya. Pumayag siya sa gusto kong ipakasal siya sa anak ng kaibigan ko. Sana lang ay hindi magbago ang isip niya. Although, okay lang sa'kin kung sakaling makita niyang muli ang babaeng mahal niya at iyon na lang ang pakasalan. I would really love to see my son smiling again." Napangiti siya dahil bihira ang ganoong ama na handang gawin ang lahat makita lang na maligaya ang nag-iisang lalaking anak nito. "Sana, matulungan mo siyang maka-recover. Magtulungan kayo para sa ikagaganda ng love story niyo." makahulugang sabi nito sa kanya na ikinagulo ng isip niya. Ano'ng ibig nitong sabihin? "Mauna na 'ho ako, sir." paalam na lang niya rito. Naguguluhan kasi siya sa mga pinagsasabi ng boss niya. Para bang may alam ito na hindi niya alam. Pinilig niya ang ulo niya. Umaandar na naman kasi ang ugali niyang mag-analyze ng mga taong nakakasalamuha niya. "SASA, bumili ka nito." nakangiting itinuro sa kanya ni Sharmaine ang isang pares ng two-piece bikini. Sinamahan siya ng mga itong mamili ng mga dadalhin niya para sa pag-alis niya bukas. "Ano naman ang gagawin ko r'yan? Conference ang a-attend-an ko, hindi pageant." naiiling na sabi niya rito. "Alam mo, dalawang linggo ka ro'n. Alangan namang puro conference lang ang gagawin mo ro'n at hindi ka manlang mag-e-enjoy? I heard, sa isang beach resort raw gaganapin 'yong conference at three days lang daw iyon." pagbabalita sa kanila ni Lorraine. "Aba't mas alam niyo pa talaga ang detalye kaysa sa akin 'ha? "Kunwari ka pang conference ang pupuntahan mo ro'n. Lalandi ka lang naman sa anak ng boss natin." buska sa kanya ni Nickie. "Gaga. Engaged na iyong tao. At saka hindi ako interesado ro'n, 'no?" "Ewan ko sa'yo. Basta bilhin mo ito." utos sa kanya ni Sharmaine. "Pupusta ako. Ma-iinlove ka sa anak ng boss nating iyon. I bet his handsome." ani Lorraine. "Kasi kahit na matanda na si Sir De Castro'y halata namang noong kabataan niya'y magandang lalaki siya at mukhang mana sa kanya ang anak niya." "I second the motion." banat ni Sharmaine. Habang isinisiksik sa kamay niya ang two-piece bikini na ipinabibili nito sa kanya. "Bilhin mo na kasi 'to para makaalis na tayo. Iba pa rin iyong handa. "Ewan ko sa inyo." tumunog ang message alert tone ng cellphone niya Nagtatakang dinukot niya iyon sa bulsa ng hand bag niya. Meet me at around 5 o'clock in the morning tomorrow. Intel bus station. ZSDCbasa niya sa natanggap niyang text message. Marahil ay ito ang anak ng boss niya. Ni-reply-an niya iyon. Okay. "Sino 'yong nag-text?" tanong ng mga ito sa kanya nang mapansin ng mga itong nagreply siya. Hindi kasi siya mahilig magreply lalo na kung hindi naman importante kaya na-curious ang mga ito sa nag-text. "Iyong anak ni boss." matipid na sagot niya. Excited na inagaw sa kanya ng mga ito ang cellphone niya at binasa ang sinabi ng binata. Nakita niya ang disappointment sa mga mukha ng mga ito dahil binura na niya ang mensahe. "Bakit mo naman binura?" nakasimangot na sabi ni Lorraine. "It's not that important." umismid sa kanya ang mga ito. INAGAHAN ni Ysabelle ang pagpunta sa bus station para hindi siya mapahiya sa anak ng boss nila. Sinipat niya ang oras sa wrist watch niya. Wala pa rin ito kahit na lagpas na ang oras sa sinabi nito. Nakaramdam siya ng pagkainip. Hindi siya nagising ng maaga para lang indiyanin nito. Sa bawat segundong lumilipas ay nakakaramdam siya ng pagkainis sa hindi nakikilalang lalaki. Naisip niyang kalbuhin ito kapag nakita na niya ito para lang maibsan ang nararamdaman niyang iritasyon para rito. May lumapit sa kanyang lalaki. "Miss, gusto mo ba ng kape?" alok sa kanya ng lalaking nakakatakot ang hitsura. Hindi naman sa panlalait pero hindi talaga maganda ang hitsura nito at hindi itong mukhang gagawa ng maganda. Sa palagay rin niya'y hindi ito ang hinihintay niya kaya tiningnan lang niya ang inaabot nitong baso ng kape. "Suplada pala 'tong babaeng 'to." anito sa dalawang lalaking hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanila. "Sino ba kayo?" mataray niyang sabi sa mga ito. "Puwede bang umalis na kayo dahil wala akong panahong makipag-usap sa inyo?" "Ang taray mong babae ka, ah. Akala mo ba may magtatanggol sa'yo rito kapag ginawan ka namin ng masama?" pananakot ng mga ito sa kanya. "Eh, ano'ng pakialam ko?" napundi na siya. Wala siyang pakialam kung saktan siya ng mga ito. Naniniwala naman siyang mayroon rin namang maglalakas ng loob na tulungan siya kapag tinangka siyang saktan ng mga ito. Naiirita na kasi siya. Hanggang ngayon kasi'y wala pa rin ang buwisit na lalaking hinihintay niya. Ayaw pa naman niya nang pinaghihintay siya dahil mabilis siyang mainip. "Puwede bang umalis na kayo sa harapan ko at baka hindi ako makita ng--" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil hinawakan siya ng dalawang lalaki sa magkabilang kamay niya at pagkatapos ay itinayo. "Bitiwan niyo nga ako. Ano ba!" "Maganda ka sana, eh." anang isang lalaking nasa harapan niya. Ito marahil ang boss. "Kaso ang taray mo. Ayaw ko pa naman sa matitigas ang ulo." Akmang hahaplusin nito ang mukha niya nang umiwas siya. "Subukan mong ihawak ang nakakadiring kamay mo sa mukha ko nang makita mo ang hinahanap mo." aniya nang hindi nasisindak dito. Napapikit siya ng pumorma ito para sampalin siya. "Taran--" "Subukan mong saktan ang babaeng 'yan nang hindi mo na makilala ang sarili mo pagkatapos ko sa'yo." anang isang pamilyar na tinig. Napadilat siya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Zack. Ang lalaking dumurog sa puso niya noon. Ang lalaking naging dahilan kung bakit galit siya sa lahat ng kabaro nito at ang lalaking sanhi ng mga hinanakit niya noon. Binitawan siya ng dalawang lalaki at kumaripas ng takbo. Nakita kasi ng mga itong may kasamang pulis ang binata. "Find them. 'Wag kayong titigil hangga't hindi n'yo sila nakikita." utos nito sa mga kasamang pulis. Nakatanga lang siya sa mga ito. "Yes, sir." Habang tinitingnan niya ito'y unti-unting bumabalik sa alaala niya ang naging paghihiwalay nila ng binata... Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang makita ni Ysabelle si Zack kasama ang babaeng pakakasalan nito. Niyaya niya si Tristan na makipag-date para ipakita kay Zack na ipinagpalit na niya ito. Nakita niya itong may dalang pumpon ng mga rosas habang papalapit sa kanila ni Tristan. Nang makita nito ang huli'y agad nitong binitawan ang bitbit na bulaklak at walang sabi-sabing inundayan ng suntok ang kasama niya. Susugurin pa sana nito ang lalaking nakahandusay sa lapag kung hindi lang niya dinaluhan si Tristan at pinigilan si Zack. "Zack, ano ka ba? Ano pa ba'ng ginagawa mo rito? Hindi ba't break na tayo?" sigaw niya rito. "Magsama kayo ng lalaki mo!" galit na sigaw rin nito sa kanya. "Magsama rin kayo ng babaeng pakakasalan mo. Hindi kita kailangan. Umalis ka na rito!" pigil ang luhang sabi niya rito. "Talagang aalis na ako rito!" Nakita niyang sumulpot sa likuran nito ang babaeng ipinalit nito sa kanya. "Zack, what's--" Mabilis na hinila nito sa braso ang kararating lang na babae. "Let's go, Faye." galit na lumisan ito palabas ng restaurant habang hawak ang kamay ng babae. Tuluyan nang bumagsak ang pinipigilan niyang mga luha. Nag-uunahan iyong lumabas sa kanyang mga mata. She felt so broken. Ang kapal ng mukha ng mga iyon na magpakita sa kanya pagkatapos ng mga itong lokohin siya. Ito pa ang may ganang magalit samantalang ito naman ang unang nanloko sa kanila. Humingi siya ng tawad kay Tristan pagkatapos niyang magpaliwanag dito. Naiintindihan naman siya nito kaya pinatawad agad siya nito. Simula noong araw na iyon sinumpa niya si Zack at ang lahat-lahat ng bagay na may kinalaman dito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD